Ang kaninang mga hakbang ko palabas ay unti-unting naging paatras hanggang sa makapasok na naman ako sa loob ng banyo. "Anong kailangan niyo sa 'kin?" I asked the three unfamiliar faces in front me. Hindi ko alam kung anong kailangan nila sa 'kin at hindi ko rin naman sila namumukhaan but I can tell they're bad news.
Nakita ko pa ang isa sa kanila, na siyang pinakahuling humakbang papasok, na isinara ang pinto ng banyo. "Hindi ko kayo kilala, aalis na 'ko--" sinubok kong dumaan sa pagitan nila pero nagulat na lamang ako nang marahas akong kabigin ng babaeng nasa unahan at ang sumunod na nangyari ang pinaka hindi ko inaaasahan.
*PAK*
Hindi ko na namalayan na nakasalampak ako rito sa sahig habang hawak ang aking pisngi na paniguradong namumula na ngayon. "Huwag kang bastos, hindi pa kami tapos sayo" maangas pa nitong sabi sa 'kin.
Mabilis akong tumayo at matapag silang hinarap. "What the hell is your problem? At bakit mo 'ko sinampal?!" lakas-loob 'kong tanong sa kanya. Pero imbes na matakot at humingi ng sorry, she smirked at me na mas lalo ko pang kinainis.
Sinipat niya ang kabuuan ko, na para bang ang bawat hagod ng tingin niya ay may kaakibat na insulto. "I still can't believe it..." aniya "Nagawa niyang patulan ang isang katulad mo?" nangungutya niya pang sabi. "I mean, look at you, you look so....boring. Kahit ilang beses ko pang tingnan ang kabuuan mo, wala pa ring magbabago. Boring ka pa rin at kahit kailan hindi ka babagay sa kanya!" sikmat pa nito sa 'kin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo at mas lalong wala kang karapatan na insultuhin ako!" matapang kong saad.
"Hah! Fyi, hindi kita iniinsulto.. I'm describing you! Totoo naman eh, you're so plain, boring and walang sense of taste kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa kang patulan ni Tristan Montebello!" nangunot naman agad aking noo sa sinabi niya. Wait, si Tristan?
"Kung ano man ang meron kami, wala kang pakialam do'n. Kung ayaw mo ang nakikita mo, pwes matuto kang pumikit!" sabi ko pa pero mukhang nagkamali pa ata ako. Mas lalong lang siyang nagalit sa sinabi ko.
"Ah, ganon?" nagulat na lang ako nang bigla akong hawakan ng dalawa niyang kasama.
"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Tulong, tulong--hmmm!!" hindi ko na nagawang sumigaw para humingi ng tulong nang takpan nila ang bibig ko.
Unti-unti na 'kong nakaramdam ng kaba nang makita ang galit sa mga mata niya, feeling ko anytime pwede niya akong patayin. Anak ng teteng naman oh! Agad naman akong napaigik sa sakit nang mahigpit niyang hinawakan ang panga ko, kulang nalang pigain niya sa sobrang higpit. "Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganun?! Masyado na ata tumaas ang kumpiyansa mo sa sarili dahil lang pumatol si Tristan sa 'yo!"