GAYA ng naging usapan namin kaninang umaga, sinamahan nga ako ni JC sa mall. Naiilang pa ako kasi ang daming nakatingin...sa kanya. Kahit naman na butler siya ni Ambriel, hindi mapagkakaila ang kagwapuhan niya.
"JC, may tanong ako..." sabi ko pa sa kanya. Busy siya kakainom sa kapeng binilis niya kanina.
"Ano yun?"
"May girlfriend ka ba?" Nabigla naman ako nang bigla siyang maubo. "Uy, okay ka lang?"
"Ano ba yan, L...nakakagulat ka naman!" aniya habang panay pa rin ubo.
"Tch! Ano namang nakakagulat do'n sa tanong ko"
"Wala...wala akong girlfriend.." sabi pa niya.
"Weh? Sa gwapo mong yan, wala talaga? Parang ang hirap naman atang paniwalaan.." kung hindi ko alam na butler siya, mapagkakamalan ko siyang anak ng isang mayamang negosyante yung katulad ng mga nababasa ko sa Wattpad dati.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta nagsasabi ako ng totoo.."
"Hmm, bakit nga ba wala? Wait..." napasinghap ako habang nakatingin sa kanya.
Nangunot naman ang kanyang noo. "What?"
Lumapit naman ako sa kanya at bumulong "Don't tell me, bakla ka?"
"What the fu--" buti na lang mabilis kong natakpan ang bibig niya. Pinagtinginan naman kami ng mga tao.
"Huwag kang sumisigaw diyan bigla. Baka akala nila, nababaliw ka na." Inalis ko naman ang pagkakatakip ko sa bibig niya.
"You're unbelievable! Ikaw na nga 'tong kung anu-anong sinasabi diyan, ako pa 'tong naging baliw? Pambihira!"
"Eh kasi, nagtatanong lang naman ako.."
"Fine! For the record, hindi ako bakla. Porket walang jowa, bakla na agad?"
"Sorry naman..." nakanguso kong sabi.
Ngumiti naman siya sakin sabay gulo sa buhok ko. Mas matangkad siya sakin kaya madali niya lang yung magagawa. "Okay na yun. Baka mamaya umiyak ka pa diyan. Sabihin pa ng iba, inaaway kita"
Nagpatuloy kami sa pamimili ng kailangan ko. Tahimik lang siyang nakasunod sakin habang hawak ang basket na may laman ng pinamili ko.
"Okay na yan, bayarin na natin.." nagtungo kaming cashier. Habang nasa cashier, halos hindi matanggal ang mata ng mga babaeng nakapila sa lalaking kasama ko.
Hmm.. malabong bakla nga 'to.
Binayaran ko naman agad ang pinamili ko. "May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya.
"Wala na, nabili ko na lahat. Pagod na din ako, gusto ko ng humiga" naging labis na antukin na talaga ako simula ng magbuntis.