#02 Angel

47 4 2
                                    

Angel's POV

Nandito ako ngayon sa playground nagpapakamatay dejoke lang ano to double dead atsaka pano ka mamamatay sa playground CS dude!

nageemo lang ako dito at nagpapahangin.

Masaya kasing tignan yung mga bata ditong naglalaro na walang problema sa buhay.

Yung iba naman naglalambingan. Ano to EARTH?!!

Pati dito ginagawa pa yan.?! Mga tao talaga anlabo na pati mata ko anlabo na rin

Ang tahimik talaga dito at tumingin ako sa mga may pakpak na anghel at lumilipad silang parang malayang ibon.

Gusto ko na ring magkapakpak! Ehhhhh! Kailan kaya yun. Wahhhh I want it huhu!.

Pero nasira ang aking madramang paglalakbay sa imahinasyon nang dalawang bampira este anghel ang lumapit sakin at nasisilaw ako sa kaputian nila Grabe! Talo na nila si Edward.

" Angel pinapatawag ka ni Kuya Matteo" sabi sakin ni Rexi

" Eh kung ayaw ko de joke lang saan ba di ko pa kasi to kabisado eh" tanong na totoo namang hindi ko pa kabisado kasi madalas lang ako sa aking oh so lambot na kwarto.

Sinamahan na nila ako papunta sa office ni kuya Matteo.

Ayos rin no.

Parang may trabaho lang sa kumpanya napakaBongga itech.Ay sorry papa God.

Pumasok na ako sa isang punong puno ng puting mga gamit na ipinagtataka kong bakit hindi sila dun nasasawa.

Grabe talaga to parang mental puro puti.

Umupo na ako sa puting silya na parang opisina talaga ang dating.

" Oh bakit nyo po ako napatawag?" agad kong tanong sakanya.

Iniwan nya na muna yung nilalaro nyang Candy Crush na level 143 pa lang. Ang weak.!

Tumingin sya sakin at may ibinigay na papel. Aanhin ko naman yun?

Ang weird talaga ng atmoaphere kapag may kausap ako dito.

" Anong gagawin ko dito?" grabe naman para sasabihin na lang pasuspense pa.

" Kainin mo" abat pinilosopo pa ako.

Hay tatanda akong maaga nito eh.

" Joke lang basahin mo yang mabuti dahil yan ay tungkol sa aalagan mo dahil wala ka pang pakpak ibig sabihin hindi ka pa permanenteng anghel. Mababasa mo rin jan ang mga bagay bagay na dapat at hindi dapat gawin" seryoso nyang sinabi sa akin at bumalik sa pinagkakaabalahan nya.

Nagpaalam na ako at pumunta sa kwarto ko para reviewhin yung papel na binigay sa akin.

Pangalan: Jix Iniego Alcantara

Edad: 18

Pinanganak noong: September 1, ****

Ugali: Mapanglait, basagulero, mahilig uminom, walang kwentang tao.
Ang saklap naman ng inpormasyon na ito

Problema: sa pamilya....

At marami pang iba na hindi ko na maalala pero ang ikinagulat ko eh ang pamilya ko may connection dito sa lalaking gwapong ito.

Nakakaduda talagang ang pamilya ko eh may koneksyon sa isang bastardo.

Basta aalamin ko ang lahat pag nasimulan na ang plano ko. Hehe

Nakakaloka ang day na ituuu I need beauty rest mga daaaay

Ciao!!!
-------

A/N:

UD pa more. Haha sinisipagan eh. Please vote and comment.

I' ve Fallen For My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon