Dawn of Feelings

4.9K 100 7
                                    

Ang buhay minsan parang tulad ng isang painting ni Vincent Van Gogh na The Starry Night, it was Je ne sais qoui o hindi madaling eexpress.

Pero ang buhay ko parang ganoon nga, maliban lang sa ito ay hindi naging kamangha-mangha na kinagigiliwan ko gaya ng painting na The Starry Night when there is the night sky filled with swirling clouds, stars ablaze with their own luminescence, and a bright crescent moon.

Hindi ko ito kayang ipinta. Kaya ikikwento ko na lang, Isusulat ko at babasahin niyo.

Pwede itong pang MMK; Madrama. Pwede ding pang Goin' Bulilit; Nakakatawa.

Pero higit sa lahat ang storyang ito ay one Hell Epic Tale. But it's a real world.

No glass shoe.

No seven dwarfs.

No magic lamp.

No prince charming.

Pero pwede itong maging Fantasy. Bakit? Dahil pwede kang mag imagine tulad ng mga taong nakilala ko.

Imaginations may lead you into a Fantasy World.

The Shakespearean would call this a love story.

The Socratics or the Platonians would call it a tragedy.

Sa isip ko parang pareho lang lahat kahit saang angulo mo pa tingnan ang buong kwento o ang maging ending nito, hindi magbabago ang isang katotohanan sa buhay ko, na ito ang tinahak kong landas at ginampanan ng sarili ko mismo bilang isang taong nagkaroon ng hindi malilimutang pangyayari sa buhay na nagpagbago sa aking buong pagkatao and that one day, we will look back to this and say...

"Those were the days"

Erm, so lets get started. Masiyado bang mahaba ang intro ko?

Well I'm just savouring my monologue moment, okay?

Uhm fine I don't want you all to get bored.

My story began last summer ago, sa isang panahon na nagpapahawatig ng bakasyon na para sa mga taong gustong maglakbay, makipagsapalaran, mag outing kasama ang kanilang pamilya o mga barkada at para sa mga taong gustong mahanap ang kanilang sarili.

Ang panahon kung saan ang haring araw ay laging mainit na nakalutang lang sa mga asul na langit na parang artista, laging pasikat.

Parang may kakaiba din sa hangin sa ganong araw mismo. Ang mga ibon ay humuhuni sa mga puno at ang lahat ng mga bagay ay parang may kulay at buhay.

Ang mga bulaklak ay parang isang Paraiso.

Ang mga insekto ay nagtatago lang sa mga maberdeng dahon at ang mga damo ay parang sumasayaw sa ihip ng mainit na hangin.

Ako si Kyrie Salvacion.

Isa akong Nurse, sa isang Exclusive Mental Instituition kung saan ang mga Inpatient ay malayang nakakagalaw sa buong field na tinatawag na Sanctuary sa loob ng Luna De Vista ng hindi sila ikinukulong.

Kami din ang nagsisilbing tagapagbantay sa kanila. Pang walong buwan ko nang nagtatrabaho sa LDV ito ay isang sanctuario para lang sa mga babaeng may kulang at problema sa pag-iisip.

I was walking along the green grass field kasama ang patient kong si Jenny, she's only Seventeen, sixteen siya ng maadmit dito sa LDV at naging inpatient o mga pasyenteng nakadetain na nasa pangangalaga nga ng LDV.

Nadiagnose siya with Paranoid Schizophrenia.

She's a jolly girl now, dahil noon may pagkaparanoid siya, always hysterical, having anxiety and panic attacks pero ngayon masasabi kong hindi na.

Summer Winds (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon