PART 49

10.9K 176 21
                                    

Madisson

Hindi ako makasagot ng marinig ko ang boses na iyon. I keep convincing myself na hindi siya yon. Pero kahit ilang beses lang kaming nagkita at nagkausap ay kilala ko na ang boses niya.

I dialled again his number at patay na iyon. I groan in frustration. Nakaupo lang ako dito sa dulo ng kama habang hawak ang phone at nakatitig sa kawalan.Siya ba ang rason kung bakit siya hindi makatawag sakin ng tatlong araw?

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng masaganang luha mula sa aking mga mata. Lahat ng sama ng loob na kinimkim ko ng tatlong araw ay ngayon ko lang nailabas. Is he cheating again? At sa babaeng iyon ulit?

Ganun ba kababaw ang sinasabi nitong pagmamahal para sakin?

I wiped my tears. No ayokong maniwala na niloloko ako ni Adam . He said I should trust him.


Ayokong ma stress pa lalo na't makakasama iyon sa bata. Kaysa umiyak ako dito't tumunganga kong kailan ako kakausapin ni Adam. Ako na mismo ang gaawa ng paraan na makausap siya. I won't allow that bitch to ruin our relationship again. No way. She ruined it before but not this time.


I scanned the Cebu pacific website at nag pabook ng pinakamaagang flight bukas. 6 AM iyon.


I got up from my bed and ate dinner. Magkakaroon na ko ng baby kaya dapat mas alagaan ko ang sarili ko.

Uminom muna ako ng gatas bago humiga sa kama. Tomorrow is going to be a tough day for me.




--

Pagkalapag nang eroplano agad akong sumakay sa taxi papunta sa hotel na tinutuluyan ni Adam. I badly wanna see him. Mas nangbabaw pa rin ang pagka miss ko sa kanya kaysa selos. I'll let him explain. Hindi ako magpapadala sa selos ko. Baka iyon pa ang dahilan na maghiwalay kami.



Inilibot ko ang aking mata sa hotel na pagmamay-ari nila Adam. Hindi ko rin maikakaila kung bakit siya ang pinapunta dito para ayusin ang anumang problema dito. Napakalaki at napakaganda ng lobby . Animoy isa itong ballroom na nakikita lamang sa pelikula.

I headed towards the informarmation desk at nagtanong kung naka check in pa ba si Adam. At para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng empleyado.


Nag check out na daw ito kaninang alas tres ng umaga. Ang kaninang excitement na aking nararamdaman ay unti unting naglaho. Kahit na anytime ay tutulo na ang luha ko. Mamayang hapon nalang siguro ako babalik nang Maynila. . Nag check in nalang ako upang makapag pahinga na rin.


I dialled his number . At halos mapatalon ako sa ruwa nang sinagot na niya ito sa wakas.


"H-hello, Adam "


"Yes?" My tears stars pouring from my eyes. Lahat nang sakit na naramdaman ko ng ilang araw ay napalitan ng tuwa ng marinig ko ulit ang boses niya.


"N-nasaan ka? A-andito kasi ako sa Cebu sinundan ka .Miss na miss na kita kaso pagdating ko dit w-wala ka" My lips quivered. Parang bata akong nagsusumbong sa kanya.


Tumahimik ang kabilang linya. I looked at my phone, I checked kung pinatay niya ba ito.


"Hello Adam , are you still there?" I asked.


"I gotta go, may meeting pa ko in less than five minutes. I'm already here in Manila" Pagkasabi niya nyon ay bigla nalang nitong tinapos ang tawag.


He's treating me coldly. I wonder if may nagawa ba akong masama sa kanya. What if lihim niya pala akong pinapasundan sa mga tauhan niya at nakita ako nitong pumasok sa unit ni Tristan.

Agad kong natutop ang aking bibig. My eyes grew wider . Paano kung iyon talaga ang nangyari? He misunderstood everything kaya siya nagkakaganyan? I took out my phone again and dialled his number, pero bigo ako. Out of reach na ito . I sighed. Siguro nga iyon ang nangyari. Shit! Bakit ko pa kasi hindi sinabi agad. Knowing his capability, hindi malayong may hinire siyang tao para bantayan ako.


Pero nasaan iyong sinasabi niyang may tiwala siya sakin. I immediately erase that negative thought. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit pa ako naglihim. Kasalanan ko na naman .


Matapos ang ilang minutong nakatingin sa kawalan. Ay humiga na ko sa kama.

Thinking kung paano ko na naman susuyuin si Montenegro. And an idea pops out in my mind. Unti unting gumuhit ang ngiti sa aking labi. Sana , sana nga maging masaya siya sa surpresa ko sa kanya pagbalik ko ng Maynila.



NO STRINGS ATTACHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon