PART38

17.5K 205 15
                                    

Madisson's POV 

I took a one last look at my reflection in the mirror. I smiled bitterly. I guess this is the first step para mag move on. Makipag socialize. 

I sighed again. Isang linggo na niya akong hindi pinapansin. At ang sakit sakit na. Bawat titig niya sakin ay puno ng hinanakit. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya.  OO, kasalanan ko iyon kung bakit kami nagkaganto. I overreacted. Pero sa tinign ko hindi naman yata tama na tratuhin niya akong ganito . Na parang wala lang. 

Wala na iyong kislap sa kanyang mga mata habang tinititigan niya ko. Napalitan na iyon ng walang emosyon. 

"miss na kita sobra" halos pabulong kong sabi. kasabay 'non ang pagpatak ng luha. Ilang araw na rin akong ganito. Palaging umiiyak. Nagigising sa madaling araw , nagbabakasakaling umuwi na siya at gigisingin ako para makpag ayos. Pero isang linggo na ang nakalipas ay walang Adam na dumating. 

Napatigil ako ng marinig ko ang katok sa pinto. Malamang andito na sila . I wiped my tears. 

I opened the door and put a fake smile on my face. "Let's go " sabi ko. 

Pababa na kami ng unit ng tanungin ako ni Abby . " Hey, ayos ka lang ? " I just nodded. Halata pa rin pala ang kalungkutan sa mukha ko . 

Hindi na sila nagtanong pa. Tahimik lang kami sa byahe hanggang marating namin ang venue. 

I gasped as I entered the hall .The place was superb. Well hindi mo aakalaing fashionshow ang magaganap dito. It's more like a party for some business personalities. May familiar faces din akong nakita.  Some of them are my dad's business partners. May drinks din na sineserve.

Knowing Abby's family, they're one of the most respected business people dito sa Pilipinas. Kaya siguro maraming business minded people ang nandito .

Abby reserved a seat malapit sa runway. Para makita daw namin ang mga hot models mamaya. I know she's trying to lighten up my mood. Good thing I have friends like them . 

Naupo na kami at maya maya pa'y nagsimula na ang fashion show. Summer ang theme kaya mostly of the models are wearing swimming trunks and bikinis. 

 I can say that the men are so hot. Kung di ko lang kilala siguro si Adam. Malamang kasama ako sa tatlong katabi ko na nagtititili. Adam na naman. Bakit ba ayaw siyang maalis sa isip ko kahit ngayong gabi lang ? 

I excused myself . Kanina pa gustong pumutok ng pantog ko. Mabuti naman at malapit lang ang comfort room. 

Pagkatapos kung gawin iyon ay naglinis ako ng kamay at lumabas. Pabalik na sana ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Tristan. He saw me .I smile then waved at him

"Why are you here ?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sakin. 

He just smirked. Halata sa mukha nito na napipilitan lang ito . " Business. Andito kasi ang future investors ng kompanya that's why I'm here" Sagot nito .

"Do you have any seat?" 

"Wala, dito nalang iguro ako sa likod, hindi naman ako interesado sa fashionshow na yan " Natawa nalang ako sa sinabi niya. 

NO STRINGS ATTACHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon