Ikatlong Kabanata: Pusod ng gubat

6 2 0
                                    

Bilog ang buwan at ito lamang ang nagsisilbing pantanglaw ng buong kampo. Tahimik na ang paligid at tanging kuliglig at paniki na dumaraan na lamang ang maririnig. Kasabay pa nito ang malakas na pagaspas ng mga dahon sa tuwing malakas ang hangin. May mga sulo at lampara namang nakasabit sa gilid ng mga pintuan ng kubo, ngunit hindi na ito sinindihan. Hindi sila maaaring makita. Gabi-gabi nilang hindi sinisindihan ang kahit anong uri ng pantanglaw upang hindi sila mapansin ng mga nagdaraanang kalabang salupawpaw tuwing gabi.

Halos lahat ng naninirahan dito ay natutulog na maliban sa mga kalalakihan na abala sa pagmamasid sa paligid at kababaihang naglilinis, naghahanda ng mga kakainin kinabukasan at mga taga-gamot sa mga sugatan. Ngunit sa kabilang ng lahat ng ito, kailanga'y alisto pa rin ang bawat isa sa kanila dahil maaari silang matunton ng mga hapon anomang oras.

Mayamaya pa'y tumahimik na ang mga kuliglig. Tila ba'y nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kampo. Dalawa sa mga kalalakihang nagbabantay ang nakapansin sa kakatwang ito. Bago pa man nila simulan muli ang pagpagmamasid ay tila nabasag ang katahimikan ng malakulog na tunog. Kasabay nito'y sunud-sunod na putukan.

"Nariyan na ang mga hapon!" Sigaw ng isang sugatang gerilya.

Lahat ay nagulantang sa malakas na pagsabog! Lahat ng mga naroon ay dali-daling kinuha ang kani-kanilang mga sandata at nagsimulang makipaglaban. May mga iilan pa nga na pinagbabaril agad pagkalabas pa lamang ng kubo. Hindi nakapaghanda ang karamihan sa mga gerilya dahil kakagaling lamang nila sa bakbakan kahapon. Wala pang sampung minuto, dalawampu na ang nalalagas sa kanilang kampo.

Sa isang kubo, nagmamadaling inipon ni Narcissa ang mga kakailanganing gamit sa paglikas at saka niya isinabit ang baril na puno ng tingga sa kaniyang baywang. Palabas na sana siya ng kubo nang magulantang siya sa kaniyang nasilayan.

"Nay!" Sambit ng dalaga habang nakatingin sa isang babaeng nakasubsob sa putikan. Agad namang napuno ng luha ang kaniyang mga mata. Tinangka niyang pigilan sa pagligwak ang luha ngunit hindi niya nagawa. Hindi niya natiis at agad siyang tumakbo papunta sa katawan ng namayapang ina nang biglang may humatak sa kaniya papunta sa ilalim ng kubo.

"Magpapakamatay ka ba!?" Galit na tinig ng matandang lalaki habang hawak ang magkabilang braso ng dalaga.

"Amang. S-si Inay!" Habang tinuturo ang katawan ng nanay niya. Hindi niya na napigilan pa at napahagulgol siya at napayakap na lamang sa ama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NarcissaWhere stories live. Discover now