Kumusta kayo, mga mambabasa? Sana ayos lamang kayo ngayon. Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan dahil pinili niyong basahin ang nobelang itong. Sa katunayan, hindi ako tulad ng ibang manunulat na magaling at malikhain. Nagsisimula pa lamang ako sa larangan ng pagsulat. Ngunit sana magustuhan niyo ang aking likha!
Nabuo ko ang konsepto ng nobelang ito noong panahong nagaaral pa lamang ako bilang high school student. Kami ay naatasang sumulat ng kwento at isabuhay ito sa pamamagitan ng pagdudula. Nais ko ring pasalamatan ang dalawa kong kamagaral na gumanap bilang Narcissa at Akehito.
Napili ko ang ikalawang digmaan bilang setting ng kwento dahil ang nanay ng lola ko ay nakaligtas sa ikalawang digmaan at madalas niyang naikukwento ang pangyayari noon.
Nais kong pasalamatan si Nanay Conching, ang lola namin sa tuhod na hanggang ngayo'y malakas pa. Kung hindi po dahil sa'yo, hindi ko maisusulat ito!
Itong kwento ay may halong kathang-isip at kasaysayang ayon sa mga libro at pananaliksik.
Higit sa lahat, pinasasalamatan ko ang Panginoon sa ipinagkaloob Niya sa aking talento sa pagsulat.
Hali na't saksihan natin ang kwento ni Narcissa.
YOU ARE READING
Narcissa
Historical FictionIsang matapang na anak ng isang gerilya si Narcissa. Ang tanging hangarin nila ay kalayaan mula sa kamay ng mga hapon. Ngunit paano kung ang taong nakatakda sa iyo ay nasa panig ng kaaway? Tunghayan ang kwento ng isang Pilipinang dalaga na umibig sa...