Sa isang malawak na hapag sa gitna ng kusina, puno ito ng mga masasarap na putahe. Nasa gitna ng hapag ay ang isang buong litsong baboy na tila kinakagat ang mapulang mansanas. Sa paligid noon ay may iba't-ibang uri ng kakanin at ulam. Sa tuwing kaarawan ng matanda, hinding-hindi nawawala ang isang uri ng pagkain na kung tawagin ay sushi. Paborito ito ng matanda ngunit walang nakakaalam kung paano, kailan at bakit niya ito naging paborito. Ang alam lamang nila, hindi ito pwedeng mawala sa kaniyang kaarawan. Sa katunayan, kahit hindi niya kaarawan ay madalas niya itong hilingin kaya inaral ng mga apo kung paano gumawa ng nasabing pagkain.
Napakahusay rin ng pagkakaayos at disenyo ng hapag-kainan. Napakadisente kung tignan dahil sa mga kandilang nakatirik dito.
Sa paligid ng hapag-kainan, nakapalibot dito ang maraming upuan. Sa gitna ay ang matanda na nagdiriwang ng kaarawan ngayon. Sa gilid niya ay ang paboritong apo at ang pamangkin niyang nagaaruga sa kaniya. Lahat ng panauhin at miyembro ng pamilya ay nakapaligid na rin sa lola. Panandaliang tumahimik habang sinisindihan ang kandila sa ibabaw ng keyk ng matanda.
Nang masindihan na ang kandila, sabay-sabay na silang umawit. Wala silang pakialam kung halos lahat ay sintunado. Masayang umawit ang lahat at nakatingin sa matandang babae na halls hindi na makita ang mata dahil sa labis na ngiti.
Matapos awitan ang matanda, "Blow your candle & make a wish na, nay!" Masayang sambit ng paboritong apo. Dali-dali namang inihipan ng lola ang kandila na sinundan ng palakpakan. Balot ng ligaya ang buong tahanan dahil sa pagdiriwang na nagaganap.
Matapos ang lahat ng ito ay nagsimula nang kumain ang mga panauhin. Halos malula ang lahat ng naroon dahil sa mga nakahaing pagkain. Tila ba hindi na nila alam kung alin ang unang titikmang putahe. Dahil okupado na ang mga upuan, ang iba ay napilitan na lamang pumwesto sa hagdanan. Ang iba nama'y nasa sala. Kalat-kalat ang ilan sa mga panauhin at kaniya-kaniyang hanap ng mauupuan matapos kumuha ng pagkain.
Sa bandang bintana, naroon ang bugnuting dalaga na si Clarisse na kasamang kumain ang kaniyang pinsang si Spencer. Samantala, si Jaica naman ay kasamang kumakain kasama ang pinakamahal niyang lola. Maligaya ang lahat sa pagtitipon na ito dahil isang beses lang sa isang taon nagkikita-kita ang magkamaganak.
"Parang mas masaya ngayong taon, ano?" Ani tiyahin ni Jaica.
"Oo nga po, tita. Parang kakaiba ngayon. Ngayon lang po ulit tayo naging kumpleto nang ganito."
"O, Jaica. Huwag todong ligaya, ah? Sabi nga nila, kapag masaya ka ngayon, mamaya malungkot ka."
"Nako! Nagpapaniwala ka riyan sa Tita mo!" Sabat ng isang lalaking kakarating lamang.
"Tito!" Maligayang tindig ng dalaga at dali-dali siyang tumayo't yumakal sa kaniyang tiyuhin.
"Hon, buti naman nakarating ka ng maaga ngayon." Sambit ng asawa.
"This day is very important to me. Alam mo naman 'yan, hon." Sabay halik sa noo ng magandang asawa.
"Tita Jen, where's Simon po pala?" Sabat ni Jaica.
"He's there in his room. You can check him out later once you're done eating."
"Hmm-kay, tita." At muli siyang umupo sa tabi ng lola upang kumain.
* * * * *
Tapos nang kumain ang lahat at tila lahat ay puno na ang tiyan. Sa labis na rami ng pagkain ay may mga tira pa. Sa katunayan, tila hindi nagalaw ang mga pagkain dahil sa rami ng hinanda. May mga iilang humihirit pa ng pagkain. Ang iba nama'y pasimpleng nagbabalot para may maiuwi sa kani-kanilang tahanan. Wala namang imik ang mga nakakakita rito dahil ganito talaga ang buhay probinsiya. Lahat ng tao ay mapagbigay at hindi mararamot na kahit hindi kamaganak ay maaaring makisalo sa kanila.
Kahit na maingay sa buong tahanan, mapayapang nakaupo habang idinuduyan ng matanda ang kaniyang upuan malapit sa pasimano. Nakaupo naman sa kabilang pasimano ang magpinsang sina Spencer at Clarisse at abala sa kung anumang usapan. Si Ikko naman ay bigla na lamang nanlumo ang mukha habang may kausap sa telepono. Agad naman siyang napansin ni Jaica na kagagaling lamang sa silid ng nakababatang pinsan.
"O, bakit? Para kang nalugi, ha?"
Wala namang imik si Ikko. Kita sa kaniyang mga mata na unti-unti nang napupuno ito ng luha. Pinipigilan na lamang niya itong lumigwak ngunit bigo siyang gawin iyon, kaya napagisipan niyang sabihin na lamang sa pinsan.
"Naaalala mo ba si Cha?"
"Cha? 'Yung taga Cebu ba?"
"Oo"
"Oh, bakit? Anong meron?"
"Ano kasi --"
Nanatiling tahimik si Jaica at inaabangan ang mga susunod na salitang sasabihin ng pinsang lalaki.
"E, ano... uhh... ayaw niya na raw. Binalikan, e."
"Binalikan? 'Yung Francis ba? 'Yung ex niya?"
Tumango na lamang si Ikko bilang tugon.
"Sorry to hear that, Ikko. Well obviously 'di siya ang true love pa-."
"Asus!" Sabat ni Clarisse na kanina pa pala nakikinig.
"Nagpapaniwala kayo 'jan sa true love true love na 'yan. 'Di 'yan totoo. Sa mundo kasi give or take lang. Wala pa akong nakilalang tao na minahal niya ang partner niya for the sake of love. They need something from one another and that's the reality." Dugtong ng bugnuting pinsan.
"Grabe ka naman. Wag mo naman lahatin. 'Di porket iniwan ka, idadamay mo na lahat." Sabat ni Spencer.
"O, bakit? Totoo naman kasi, e. Kung may true love, bakit tumandang dalaga 'yang si..." sabay turo ng nguso sa nananahimik na matanda.
Hindi alam ng magpipinsan na nakikinig rin pala ang lola sa kanilang usapan. Pinihit ng matanda ang kaniyang inuupan gamit ang kaniyang lakas upang harapin ang mga apo. Gulat at namangha naman ang magpipinsan dahil ipinamalas na lakas ng matanda.
"Mga apo." Panimula ng lola sa mahina't nanginginig na tinig.
"Hali kayo rito." Nakangiti pa rin ang matanda habang sumisenyas siya sa kaniyang mga apo na lumapit.
Dali-dali namang sumunod si Jaica. Si Ikko naman ay nanlulumo pa rin ang mukha. Si Clarisse ay tila bang nakunsensya bigla sa sinabi. Samantalang si Spencer ay hindi alam ang magiging reaksyon habang naglalakad palapit sa matandang babae.
"Maaari ba kayong umupo rine?" Tinuturo ng matanda ang sahig sa harapan niya.
Nagkatinginan ang magpipinsan at dahan-dahang umupo sa harapan ng matanda.
"Tunay na pagibig ba kamo?"
Namula si Clarisse nang tanungin siya ni Nanay Sisa at hindi makasagot.
"Ngayon ko lamang ibabahagi ito. Ilang dekada ko ring hindi nabanggit ito sa kahit sino man."
Nagulat ang mga apo at napalitan ang kaba ng pagkasabik.
"Makikinig ba kayo?"
YOU ARE READING
Narcissa
Narrativa StoricaIsang matapang na anak ng isang gerilya si Narcissa. Ang tanging hangarin nila ay kalayaan mula sa kamay ng mga hapon. Ngunit paano kung ang taong nakatakda sa iyo ay nasa panig ng kaaway? Tunghayan ang kwento ng isang Pilipinang dalaga na umibig sa...