Forever iv: TJ

362 14 9
                                    

MATAPOS ang araw nang makita ko si James ay umaasa akong makikita ko ulit siya, umaasa akong magpapakita siya ulit.  Hindi niya alam kung gaano ko siya ka-miss.  Gusto ko siyang makita.  Gusto ko siyang maramdaman kahit pa sabihing hindi ko siya mahahawakan dahil isa na siyang kaluluwa.  Basta alam kong andito siya malapit sa akin at nakikita ko siya ay masaya na ako. Sapat na sa akin 'yon. Hindi na ako hihiling ng iba.

Ang tanga ko para mag-asam pa sa isang taong wala nang buhay.  Pero sobrang namimiss ko na talaga siya na kahit kaluluwa na lang siya ay sapat na sa akin.  Basta makasama ko lang siya.  Nakikita.  Nakakausap.

Napa-upo ako sa pagkakahiga.  Dalawang taon na ang nakakalipas nang pumanaw siya. Ang ikipinagtataka ko ay bakit nasa mundo pa siya ng mga tao. Dapat ay wala na ito ngayon dahil forty days lang ang nilalagi ng kaluluwa ng isang tao sa mundo ng mga buhay. Maliban na lang kung may unfinish business ang isang kaluluwa.

Unfinished business.

Ako ba ang unfinished business niya?  Alam niya bang hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong makikita siya at makakasama?

"Nicole."

Nagulat at nagsipagtayuan ang mga dapat tumayo sa akin nang may marinig akong bumulong sa pangalan ko.  Ang boses nito ay sumabay sa malamig na ihip ng hangin na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil nakapatay ang electricfan at nakasarado ang mga bintana. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa may gilid ko. Nagsitayuan ang balahibo ko lalo na sa may gilid ko. Ang puso ko ay nagsisimula ng tumibok nang mabilis dahil sa takot. Matagal na rin ng huling may nangulit sa aking kaluluwa kaya grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Humiga ako at tumagilid patalikod sa kaluluwang hindi ko kilala. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit alam kong hindi ako makakatulog dahil sa nilalang na nasa paligid or rather ay nasa tabi ko lang.  Napapamura na ako sa isip dahil naramdaman ko ang paglubog ng higaan sa tabi ko, konpirmasyong may iba ngang nilalang akong kasama. Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ng nilalang malapit sa tainga ko.

"Nicole."

"Shit!" Mahina kong pagmumura. Nanalangin na lang ako ng Apostles Creed para mawala na ang kaluluwang gumagambala sa akin.

"Tulungan mo ako," mahinang sabi niya.  "Nakikiusap ako, Nicole.  Tulungan mo ako."

Hindi ko iyon pinansin, bagkus ay nagtulakbong ako ng unan at pumikit.  "In Jesus name.  In Jesus name."

"Nicole..."

Halos manigas ako at napamulagat nang maramdaman kong niyakap niya ako. Sht! Kung nagagawa niya akong hawakan? Maaring magamit niya ang katawan ko?

--

"Good morning!"

Napasigaw ako sa pagkagulat kasabay ng pagbalikwas sa higaan na dahilan para mahulog ako. Masama akong tumingin sa babaeng nakaputi, nakalutang sa may tapat ng higaan ko.

Humagikhik siya na wari'y natuwa pa sa pagkahulog ko sa higaan.  "Sorry. Na-excite lang."

Hindi ako nagsalita kahit gustong-gusto ko na siyang tarayan.  Siya ba 'yong multong gunagambala sa akin kagabi?  Parang iba. Pero siya pa lang naman ang nangungulit sa akin. Pero bakit halos atakihin ako sa puso sa takot nang magparamdam siya kagabi?   Nakakatakot pero ngayon bakit nakakainis na?

Tumayo ako at inayos ang higaan ko. Kinuha ko ang towel at dumiretso sa banyo. Kunwari wala akong ibang kasama.  Kunwari'y wala siya rito, na hindi siya nag-e-exist kahit pa sabihin nagulat ako kanina nang dahil sa kanya.  Pero tiningnan ko pa siya kanina ng masama. Sht!

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon