Forever vi: Krystal

162 4 1
                                    

"TJ..." mahina kong bulong sa pangalan ni TJ nang makita ko siyang nakatulala ng makita si Nicole.  Napangiti ako ng may kahalong lungkot.  Nakilala niya si Nicole.  Tama ako, makikilala niya si Nicole kahit isang beses pa lang niyang nakita.

Sinundan ko si Nathan at TJ ng pumasok sila sa building.  Lagi naman ganito ang ganap ko.  Ang sundan siya kahit saan magpunta... kahit hindi niya ako nakikita.  Parang dati lang, noong hindi pa niya ako nakikilala, sa malayo ko lang siya tinitingnan, tinititigan.  Iniimagine na sana ay nakatingin din siya sa akin.  Ang pinagkaiba lang nang dati at ngayon ay, dati may posibilidad na makita niya ako at mapansin pero ngayon, malabo kasi kahit lapitan ko pa siya nang sobrang lapit ay para lang akong hangin na dadaan sa harapan niya. Hindi nag-eexist.

Umiling ako nang maraming beses para iwaksi ang kalungkutang nararamdaman ko. Ngumiti ako.  Ng pilit.

Fighting, Krystal.  Hindi mo pwedeng iwan si TJ, lalo na't hindi ka pa niya nakakalimutan.  Kailangan ka muna niyang makalimutan bago mo siya iwan.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot sa isiping kailangan niya akong makalimutan.  Pero para naman 'to sa kanya.  Okay lang kahit ako 'tong malungkot sa pagkalimot niya sa akin.  Basta maging masaya lang siya.

Buong araw ay sinusundan ko lang si TJ, sa pagtatrabaho niya na madalas naman siyang tulog o nakatulala, sa pagkain niyang hindi man lang nangangalahati, sa break time niyang ginugugol lang sa pagtulog.  Most of the time ay tulog siya.  At ngayon nga ay andito siya sa rooftop garden ng building kung saan siya nagtatrabaho. Nakahiga siya sa bench habang nakatakip sa mga mata niya ang kanang braso.

"TJ," mahina kong bulong sa pangalan niya.  Umupo ako sa tabi ng upuan kung saan siya nakahiga at hinawakan ang buhok niya.  Pero katulad nang dati ay hindi ko iyon magawa. Lumagpas lang na parang hangin ang kamay ko sa may buhok niya. Napahinga ako nang malalim at tumulo na naman ang luha ko. "I'm sorry.  Sorry iniwan kita.  Sorry hindi ko tinupad ang pangako kong hindi kita iiwan. Sorry, TJ. Sorry, Tim.  I'm so sorry for leaving you."

Umupo ako sa tapat niya.  Niyakap ko siya kung saan ay nakapatong ang ulo ko sa may bandang dibdib niya.  Niyakap ko siya kahit hindi ko siya magawang mayakap.  "TJ."  Walang tigil sa pagpatak ang luha ko.  Nakakaiyak lang na kahit gustong gusto ko siyang mayakap, mahawakan ay hindi ko magawa.  Kahit anong pilit ko, hindi ko magawa.

Ngumiti si TJ habang may tumutulong luha sa pisngi niya.  Kumalas ako ng yakap sa kanya.  Umiiyak na naman siya kahit natutulog siya kasabay ng pagluha ko habang nakatingin sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.   Pinunasan ang luhang walang sawang tumutulo. Ginawaran ko rin siya ng isang halik sa labi pagkatapos.  Isang halik na hindi ko naman naramdaman o maski siya ay paniguradong hindi niya rin naramdaman.

"Krystal," tawag niya sa pangalan ko habang nakapikit. "'Wag mo akong iwan please. Nakikiusap ako.  'Wag mo na ulit akong iiwan.  Hindi ko kaya.  Hindi ko kaya.  Hindi ko kakayanin."

Halos mapahagulhol ako sa pag-iyak dahil sa narinig ko pero sinusubukan kong pigilan ang sarili ko.  Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para walang lumabas na ingay.  Alam ko namang hindi niya ako naririnig pero nangangamba pa rin ako na baka marinig niya akong umiiyak.  At ayokong marinig niya iyon.  Mas masakit para sa kanya ang marinig akong umiiyak.

Mula nang pumanaw ako ay iyon na lang lagi ang naririnig ko kay TJ, ang 'wag ko siyang iwan.  Nagmamakaawa na 'wag ko siyang iwan.  Pero ano bang magagawa ko?  Ayaw ko man siyang iwan pero wala na akong katawang lupa.  Kahit nasa tabi niya lang ako ay hindi niya pa rin malalaman, mapapansin.   Patuloy lang siyang mangungulila sa akin.

Niyakap ko siya ulit at hindi na napigilan hindi humagulhol. "Sorry.  Sorry.   Sorry, TJ.  Sorry. Sorry."

Automatic.   Automatic na 'sorry' ang lumalabas sa bibig ko.  Paulit-ulit.  Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa pang-iiwan ko sa kanya.

---

Bumalik ako sa apartment ni Nicole. Payapa siyang natutulog.

Nicole, magagalit ka ba kung hihiramin ko pansamantala ang katawan mo?  Ipagtatabuyan mo ba ako kung malalaman mong kaya ako lumapit sa 'yo ay para hiramin ang katawan mo?

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko.  Saglit lang naman.  Saglit ko lang namang hihiramin.  Magpapaalam lang ako kay TJ.   Kailangan ko lang magpaalam nang maayos kay TJ. Kailangan ko lang masiguradong hindi na niya ulit pagtatangkain ang kanyang buhay.  Gusto ko lang siyang mabuhay nang masaya na wala ako sa buhay.  Gusto ko lang siyang sumaya.

Huminga ako nang malalim.  Sorry.  Alam kong hindi mo ipapahiram ang katawan mo sa akin pero ngayon lang naman.  Isosoli ko rin naman agad.  Ngayon lang.   Isang beses lang.  Para lang kay TJ.

Lumapit ako sa kanya at inihanda ang sarili ko.  Nang papasok na ako sa katawan niya ay parang may invisible na harang sa katawan niya at may malakas na enerhiyang nanggagaling sa katawan niya para tumilapon ako malayo sa kanya.

Napadaing ako sa sakit.  Bumangon ako at huminga nang malalim. Sinubukan ko ulit pumasok sa katawan niya at sa pangalawang pagkakataon ay tumilapon ulit ako.

Maraming beses ko iyong sinubukan nang may kasamang pagtulo ng luha pero bigo ako. Hindi ko magawang makapasok sa katawan niya.  Nanghihina akong napaupo sa gilid ng kwarto at malakas na umiyak, walang pakialam kung magising pa si Nicole.  Akala ko magagawa kong mahiram ang katawan niya kahit hindi siya pumapayag.  Hindi pala.  Sobrang lakas niya pala.

TJ. Hindi ko na magagawang magpaalam kay TJ.

Nakakapanghina.

"Bakit?"

Napatigil ako sa paghikbi nang makarinig ng boses ng lalaki.  Napatingin ako sa pigurang nasa may gilid ko.  Nakasandal sa may cabinet ni Nicole.  "S-sino ka?"  Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil ang ilaw lang na nanggagaling sa labas ng kwarto ni Nicole ang nagbibigay liwanag sa kwarto.

Ngumiti siya sa akin at marahang itinaas ang kamay. "Hi," tipid niyang bati.

Napakunot noo ako.  Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.   "Sino ka?  Bakit ka andito?"

Nagpakawala siya ng tipid ng tawa.   Humakbang siya palapit sa akin at naaninag ko ang mukha niya. "Parang ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo.  Bakit ka andito?  Ano'ng ginagawa mo rito at sinusubukan mong angkinin ang katawan ng babaeng iyan?"

Nakaramdam ako ng kilabot dahil sa paraan niya ng pagtingin.  Napaatras ako pero pader lang ang naatrasan ko.

Ngumisi siya at tumalikod sa akin.  "'Wag mo na ulit uulitin 'yon," seryoso nitong sabi na lalong nagpakaba sa akin.  Naglakad siya papalapit kay Nicole.  Hinawakan nito ang mukha ni Nicole at ginawaran ng halik sa noo.  "Sleep tight," bulong niya rito.  "'Wag kang mag-alala. Babantayan kita kahit na ano'ng mangyari.  Hindi ko hahayaang may ibang kaluluwang pumasok sa 'yo dahil alam kong iyon ang pinakaayaw mo."

Tumingin siya sa akin na dahilan para mapaigtad ako. Ngumiti siya. Ngiting nagbibigay sa akin ng kaba at takot.

"Si---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang unti-onti na siyang maglaho sa harap ko.

-TO BE CONTINUED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon