LEO'S POV
"Ang ganda mo" sambit ko sa isip habang nakatingin kay Izavellia na kumakain
Simula noong namasukan si mama kina tita Isabellia ay naging matalik na magkaibigan na kami ni Iya.
Lahat ng mga laruan nya ay ipinapahiram nya sa akin, barbie man yon o mga kotse.
Lagi nya den ako sinasama kapag pupunta sila ng mall. Parang magkapatid na talaga kami.
Ang saya isipin na dito nag tatrabaho si Mama, tinuturing kaming pamilya. Napaka bait nila sobra, lalo na si Iya.
Hindi nila ipinamukha sa amin ni mama na kasambahay lang kami, itinuring na din nila kaming pamilya.
Napaka bait sa akin ni Iya, halos lahat ng mga problema nya ay sa akin nya sinasabi, lahat ng mga nangyayari sa Europe ay kinikwento nya sa akin.
Sa tuwing nagkukuwento siya sa akin ng mga naranasan nya ay para bang sumasaya ako, napakaganda nya mag salita lalo na kapag tumatawa na sha.
Boses kargador si Iya, pero para sa akin yun na ang pinakamagandang boses na narinig ko.
Kapag kase tumatawa si Iya ay may kasamang hagikhik at pagsampal sa kung sino man ang katabi nya. Minsan sa sobrang tawa nya ay nawawalan na ng sounds. Minsan naman inuubo na sha matapos tumawa ng wagas.
Teka nga bat koba iniisip ang lahat ng to? Hay na'ko Leo, diba nga sabi ni Iya ay ....
"Tss" nasabi ko nalamang iyon ng ma alala ang sinabi nya sa akin noong bagong dating sila galing Europe.
'Alam mong magkaibigan lang tayo'
E ano naman kung mag kaibigan tayo? At tutal hindi ko naman talaga gusto si Iya, masaya lang talaga ako dahil may kaibigan akong gaya nya.
Magkapatid na turingan naten, kaya imposible na mag ka gusto ako sa'yo.
Mahal kita Iya, bilang kaibigan. Hays bakit ba ganito iniisip ko? ERASE!
Tumingin ako sa gawi ni Iya at ganon nalang ang gulat ko sa dami ng kaniyang kinakain
Grabe ang dami niyang kinakain! Gutom na gutom ata si Iya HAHAHA
Habang punagmamasdan ko sya ay bigla shang tumayo at lunapit sa lamesa.
Kumuha sha nang panibagong plato saka kumuha ng carbonara at lumpia
Nakita kong lumapit si Aizan sa kanya saka pasilip na dumungaw sa plato ni Iya.
"Aizan, bat kaba pasilip-silip sa plato ko?" Nagtatakang tanong ni Iya
"Wala na'ko makitang lumpia! Baka kase kinuha mo lahat?" Sagot ni Aizan
"Hoy dalwa lang kinuha kong lumpia ah, kita mo naman e" sagot ni Iya habang may laman ang bibig
"Baka tatlo ate! Ano yang laman ng bibig mo?" Taas kilay na sagot ni Aizan
"A-ah e-eh, oo hehe lumpia nga ito" pilit ngiting sagot ni Iya
"Aishhhh anu ba naman ate, isa- isa lang kase dapat kapag kumuha ng lumpiaaa!" Pagmamaktol ni Aizan dahilan para matawa ako ng bahagya
BINABASA MO ANG
A Night Among The Stars
RomanceMasayang tao si Neil Calvin Reyes, mabait, matalino, at mapagmahal sa pamilya. Marami rin siyang taga hanga halos lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya, pero isang babae lang ang makakapag pahulog ng puso niya at ito ay si Izavellia Cortez isang m...