IZAVELLIA'S POV
"Kuya bilisan mo nga, male-late na tayo!" Sigaw ko kay kuya Trev ang nakakatanda kong kapatid.
"Oo na ano ga? Eto na nga diba!" Iritang sagot niya sa akin. Naka Gucci shirt siya na black at black pants na may maliit na kadena na nakasabit sa may bulsa nito. Naka sabit naman ang shades niya sa damit na suot niya.
"Pogi mo kuya ah! Wala namang girlfriend HAHAHA!" Pang iinsulto ko sa kaniya. Sinamaan lang naman niya ako ng tingin sabay biglang nguso na akala mo'y bata.
Natawa tuloy ako sa reaksyon niya.
Siya kase yung maraming taga hanga pero hindi pa nag kaka jowa. Masyadong abala sa pag mo- model ang loko.
"Hoy kayong dalawa sumakay na nga kayo sa sasakyan, mahuhuli tayo sa flight natin." Agaw atensyon naman ni kuya William sa aming dalwa ni kuya Trev.
Siya ang pangalawa sa aming mag kakapatid, sumunod siya kay kuya Trev. Mabait siyang kuya as in SUPER mabait sa akin, may pag ka strikto minsan pero hindi SUPER strikto, kesa naman kay kuya Trev na wala na ngang jowa puro asarin lang ako ang alam.
Masyadong OA kung maging strikto kase si kuya Trev akala mo naman... Tssskkk.
"Anong hoy William?" Inis na tanong ni kuya Trev. "Ako ang panganay kaya huwag mo akong matatawag na hoy!" dagdag niya sabay kunwaring aaro ng suntok.
Tumaas naman ang dalawang kamay ni kuya William na kunwaring susuko na habang naka ngisi.
Tinalikuran lang kami ni kuya Trev at sumakay na siya sa passengers seat. Sumakay na rin ako. Nasa back seat ako at si kuya William ang driver, tutal kay kuya Willian naman yung sasakyan.
Habang nasa byahe patungong Airport ay mabilis akong naka tulog. Mahaba ang naging byahe namin sa airport kaya ganon nalang kabilis ako antokin.
Andito na pala kami sa airport.
Nagising nalang ako sa dalawang malakas na pitik sa akin.
(●__●)!
Pinitik ako ng dalawang beses ni kuya Trev sa noo! Bastos kang lalake ka!
"Aray ko!" Sigaw ko sa kaniya. "Inaano ba kita kuya Treborsho! Ha!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kaniya iyon.
Nabigla naman siya ng marinig yung pangalan na itinawag ko sa kaniya. Ayaw niya kaseng tinatawag ko siya ng ganon, hindi raw bagay sa ka-pogian niya.
O_o---- itsura ni kuya Trev
"Anak ng..." Namimilog na matang sabi niya. "Anong Treborsho ka diyan! Bawiin mo yung sinabi mo! Alam mo naman ang pangalan ko. My name is Trevor Cortez the most handsome model here in Europe!" Pagmamayabang niya sabay i-slomotion na sinusuklay ang buhok gamit ang isang kamay with matching kagat labi at kindat.
"Whatever, pangit ka parin sa pani
ngin ko.""Anak ng palaka kadiri ka kuya, bakit may kagat labi? Yak!" Sagot naman ni kuya William.
BINABASA MO ANG
A Night Among The Stars
RomanceMasayang tao si Neil Calvin Reyes, mabait, matalino, at mapagmahal sa pamilya. Marami rin siyang taga hanga halos lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya, pero isang babae lang ang makakapag pahulog ng puso niya at ito ay si Izavellia Cortez isang m...