Ang Kaarawan ni Jaad

14 2 3
                                    

"Magandang gabi, Kamahalan," bati ni Kameer nang makalapit kay To'rah matapos bahagyang yumuko at nagbigay galang. Buti na lamang at si Sylva lamang ang kasama ng babae sa mga sandaling iyon. Ayaw niyang makasalamuha si Hasmid. Mukhang kinausap ni Hasmid si Jaad dahil lumayo ang dalawa at iniwan ni Hasmid ang bago nitong asawa.

Hindi kaagad nagsalita si To'rah, si Sylva ang nagpakilala sa kanya.

"Siya si Ginoong Kameer, Kamahalan. Isa siyang maharlika ng Andartika. Malapit siya kay Ministro Jaad." Pakilala ni Sylva.

"Ah, kung ganoon ay nakasalamuha mo na rin dati ang aking asawa?" tanong ng babae kay Kameer.

Malumanay na nagsalita si To'rah. Tila isa itong maamong tupa. Kabaligtaran ng pananalita at ugali ni Hasmid.

"Abala noon ang Clevoria sa digmaan nito sa Zaethiska, kaya naman hindi gaanong nakakasalamuha ng mga maharlika noon ang hari, ngunit nakausap ko na siya nang isang beses." Sagot ni Kameer.

'Isang beses lang? Kasinungalingan.' Isip ni To'rah. Nakita niya si Kameer nang gabing iyon at nakalaban pa ni Hasmid. 'Bakit siya nagsisinungaling? Dahil hindi niya alam na alam ko?'

Inabutan siya ni Sylva ng isang baso ng pulang alak. Ganon rin si Kameer. Tiningnan ni To'rah ang inumin. Hindi niya maaaring tanggihan ang alok ni Sylva at hindi siya maaaring magpahalata na wala siyang tiwala sa babae, kaya tinanggap niya iyon. Uminom siya matapos mapansin na uminom rin si Kameer. Mapait ang lasa ng alak ngunit nang sa dulo ay bahagya itong tumamis.

"Isa itong espesyal na alak na gawa sa pagawaan ni Baron Inyigo," sambit ni Kameer. "Malapit ang Baron kay Ministro Jaad."

"Ah, ganon ba?" simpleng tugon ni To'rah. "Hindi ako mahilig sa alak."

"Hindi ka ba pumupunta sa mga piging sa Horokah, Kamahalan?" tanong ni Kameer.

"Hindi basta hinahayaan ni ina na makisalamuha ako sa mga maharlika ng Horokah." Simpleng tugon niya.

"Dapat ka nang masanay sa mga lasa ng alak sa Andartika, Kamahalan. Marami ang mag-iimbita sayo matapos ang gabing ito. Isa pa, mahilig sa alak ang mga Clevorian." Banggit ni Kameer.

"Hindi ko madalas makita ang hari na umiinom ng alak."

"Tanungin mo siya, maaaring magulat ka sa sagot niya Kamahalan."

"Maaari ko ba kayong iwan saglit Kamahalan?" tanong ni Sylva. "Pupuntahan ko lamang ang ilan sa mga bisita ni lolo."

"Babalik rin agad si Hasmid, huwag mo akong alalahanin Sylva." Nakangiting sagot ni To'rah. 'Sinasadya niyang iwan kami. Hindi ako maaaring magkamali sa aking mga kilos dahil mamanmanan ng mga maharlika ang kilos ko.'


Matapos yumuko at nagbigay galang ay iniwan sila ni Sylva. Pinuntahan ng babae ang ilang mga mesa, marahil ay upang masolo siya ng lalaking tinatawag nilang si Kameer. Kung ito ang lalakng nakasalamuha ni Hasmid noong isang sa hardin ng Karza, maaaring delikado siya. Ngunit kahit ganoon, sinabihan siya ni Hasmid na pagbigyan at kausapin ito. 'Kapag naging delikado, siguradong babalik si Hasmid.'

"Ito ba ang unang piging na dinaluhan ninyo ni Haring Hasmid?" tanong ni Kameer sa kanya.

"Piging sa labas ng Karza, oo." Tugon niya.

"Marami sa mga Clevorian ang bumabawi sa ganitong mga pagpupulong. Noong nasa Clevoria kami, madalang maidaos ang pagpupulong dahil sa tindi ng sama ng panahon." Kwento ni Kameer.

"Ang alam ko ay buong taon ang taglamig sa dating Clevoria. Kaya mainam na nakalipat ang kaharian dito sa Andartika." Tugon niya.

"Syang tunay," sagot sa kanya ng lalaki. "Kung hindi dahil kay Haring Hasmid, hindi na magtatagal ang dating emperyo. Tiyak na marami ang masasawi sa mga normal na mamamayan at maaaring hindi na makabangon ang emperyo."

AndartikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon