Karza

96 2 14
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Luxurie, mukha agad ni Lafina ang nakita nya. Nakahiga na sya sa kama. Napabangon sya at tumingin sa labas. Maliwanag na sa labas at tila umabante na sila sa byahe. 'Nanaginip ba ako?'

Binuhat nya ang sarili saka umupo sa kama. Napahawak sya sa kanyang sentido, inaatake sya ng sakit ng ulo. Randam rin nya ang namamagang mga kalamnan na humampas kanina sa katawan ng kama.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napatingin sya sa pinanggalingan ng tinig. Nasa paanan ng kama niya si Vinshen. Wala rin sa paligid si Lafina.

"Anong nangyari kanina?" Balik na tanong niya.

Umupo si Vinshen sa tabi niya saka hinawakan sya sa pisngi. Bahagyang lumiwanag ang kamay ni Vinshen. Maya-maya lang ay gumaan ang pakiramdam nya. Nawala ang sakit ng ulo at katawan nya. Ginamot sya ni Vinshen sa parehong paraan nang may sumalakay sa kanya sa sentrong bayan.

Nang matapos ang si Vinshen sa paggamot sa kanya, tinanggal nito ang kamay saka ito sumagot. "Pamilyar ka ba sa mga makalumang salamangka?"

Bahagya syang tumango. "Bakit mo naitanong?"

"May harang na gawa sa mahika sa daan patungo sa Kibra. May marka sa kalangitan na hindi ko nakikilala."

"Marka? Ano ang itsura ng marka?"

Gumuhit sa hangin ang gintong abo. Isang bilog na hugis na may mga letra at marka sa paligid. Nanlaki ang mga mata ni Luxurie nang makilala nya ang mga iyon. Hindi sya maaaring magkamali. Isa iyong makalumang salamangka sa Kibra.

"K-kagaya ng hinala mo Vinshen, isang lumang salamangka ang markang iyan. Isang sumpa."

"Sumpa?"

"Ginagamit ang markang yan sa mga itinakwil ng Kibra. Walang epekto ang markang iyan sa mga hindi isinumpa."

"Kung ganon, iyon ang dahilan kung bakit hindi namin nakita ni Jinda ito dati."

"Pero bakit may marka ang Andartika? Dahil ba naging kaisa ng Andartika ang Kibra?"

Noon lamang nya naisip na baka kaya sya dadalhin sa Zaethiska noon ay dahil isinumpa sya. Pero bakit? Bakit sya isinumpa? Wala namang ibang Kibran sa sasakyang panghimpapawid kundi sya lamang. Imposibleng may kinalaman si Raido. O meron nga ba? Napapikit sya. Pilit nyang inaalala kung mayron nga bang nabanggit ang mga magulang nya tungkol doon noon, pero wala syang maalalang kahit ano. Ang dami nyang tanong sa isipan nya na hindi nya alam kung masasagot pa.

Hinawakan ni Vinshen ang nanginginig nyang kamay. "Huwag kang mag-alala."

"Maaaring ang salamangkang iyon ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang Vinshen. Baka.. baka.." 'may nagsumpa sa akin kaya bawal ako tumawid papasok at palabas ng Kibra.'

"Ako lang ang Kibran dito sa sasakyan. Kung lumitaw ang markang iyon ngayon, ibig sabihin ay hindi ako maaaring pumasok sa Kibra." dagdag nya.

"Huwag kang mag-alala. Mag-iimbestiga ako pagbalik natin sa Zaethiska. Isa pa, wala na ang markang iyon."

"Wala na? Anong ibig mong sabihin?" Taka nyang tanong.

Napangiti si Vinshen. "Hindi nila ako tatawaging tagapangalaga ni Raido kung ang mahika na iyon ay hindi ko kayang sirain."

Akmang tatayo na ito nang maalala nya na may sakit nga si Vinshen. "Ang sabi ni Rai ay may malala kang sakit. May katotohanan ba ang sinabi nya?"

Lumingon sa kanya si Vinshen saka sumagot. "Si Braya."

"Ha? Anong si Braya."

"Sinasanay ko ang katawan ko sa aura ni Braya."

"Nagpasailalim sa kapangyarihan mo si Gon?" gulat nyang tanong.

AndartikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon