Disclaimer: This work of fiction, including the names and situations depicted, is purely the product of the author's imagination. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
*
Threat"Ma'am, pasok na po kayo," anang naka-unipormeng lalaking hindi ko pa kailanman nakita.
"Sino kayo? Saan ninyo ako dadalhin?" naghihisterya kong tanong.
"Ipina-pasundo po kayo ni Sir Marco, Ma'am. Sa palasyo na raw po kayo mag-uusap at sasabihin niya ang dahilan ng pagpunta ninyo roon," aniya.
"Ha? Ano'ng pinagsasabi ninyo? Sinong Marco?"
"Si General po, Ma'am," saad niya.
Bigla akong natigilan at nagpatianod na lang sa mga tauhan niya.
Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan. Narinig ko kanina na kinausap ng head yata ng security si Marco. Mukhang tinatanong kung nagpumiglas ba ako.
"Nakuha na po namin siya, General. Patungo na po kami sa palasyo."
"Copy po, General."
Pagkatapos ibaba ang kanyang cellphone ay biglang humarap ang tauhan sa akin.
"Ma'am, kakausapin po raw kayo ni General."
"Bakit daw? Hindi ba pwedeng mamaya na lang kapag magkaharap na kami?" angil ko sa kanya. Wala akong pake kung namamalditahan siya sa akin. Kasalanan ito ng amo nila.
"May sasabihin po raw si General na importante, Ma'am," pagpupumilit nito sa akin.
"Akin na!" singhal ko sabay abot ng kanyang cellphone.
"Ano na naman ang gusto mo?!"
"Baby, please calm down. I will tell you when you arrive here. Now please don't give them a hard time," malambing na may halong diin na sabi niya.
"Ano?! Ako pa ngayon ang kailangan mag-adjust?! Sino ba sa atin ang biglang nandudukot na lang ha?! Naturingan ka pa namang tagapagpatupad ng batas!" hindi ko na natiis at sumabog ang galit ko.
"Laia, I know you are angry but please you have to trust me with this one. This is for your safety and for Rau also."
"Tang*na lang Marco! Matagal na tayong hiwalay kaya bakit pa ako dinadamay ng mga demonyo mong kalaban!" sigaw ko sa kanya.
"I know. No need to remind me of that. But don't forget Laia that we have Rau, and you know that you'll be forever linked to me because of him, right?" Tila pagod na pagod na sabi niya sa akin.
I stopped for a moment. I am suddenly lost for words.
"Whatever. Let's talk about it when I arrive. I want to save my energy."
"Alright. See you later. Please, take care for me," aniya bago ibaba ang tawag.
Binalik ko naman sa tauhan niya ang cellphone at pagod na idinantay ang aking ulo sa upuan.
Yes, I am forever linked to him. As much as I don't want to we have a son and he's currently the Commander in Chief of the AFP.
Yes, he's not just a General but he is also the president of the country. And he's my ex, the father of my child. How can this be more f*cked up?
BINABASA MO ANG
The General's Wife
RomanceWe started off as strangers, then we became college sweethearts. Our relationship was not perfect back then, but we were happy. Under the old Narra tree of their house, we carved our future. But what seemed to be a happy future suddenly turned into...