CHAPTER 1

4 0 0
                                    


"HER POV"

"Kumpleto na yan nak.Mag ingat ka sa pagtawid sa kalsada tasha ha!."Bilin ni mama sakin bago ako umalis ng bahay.

"Opo ma.Alis na po ako."Paalam ko sa kanya.Pupunta ako ngayon sa palengke,mamilili kasi ako ng mga pangbenta namin.Meron kasi kaming maliit na tindahan,yun lang ang mapagkakakitaan ni mama.Ako ang laging namimili pag may inaasikaso si mama.

Mahirap lang kami pero masaya.Si mama ang nagpapa aral sakin.Ang papa ko naman ay may iba ng pamilya pero ok lang at least di ko ramdam na may kulang sakin.Si mama palang ay sapat na.

Pagdating ko sa bayan ay dumeretso muna ako sa bilihan ng mga candy at chichirya.

Kumuha ako ng basket at dun ko nilagay yung mga  pinamili ko.Nang matapos ako ay dumeretso naman ako sa bilihan ng mga shampoo at sabon hanggang sa mabili ko na lahat ng kailangan namin.

Dumaan rin muna ako sa gulayan kasi naalala ko wala pa nga pala kaming ulam hehehe. Kahit naman hindi nilista ni mama ay bumili parin ako pero syempre pera ko ang ginamit ko,galing sa ipon ko.

"Ate magkano po ito?."Tanong ko dun sa tindera.

"18 lang yan.tatlong guhit oh."Turo nya dun sa timbangan.Habang tinitimbang ang binili kong gulay.

Pagkatapos kong mamili ay naglakad na ako papuntang paradahan ng tricycle.Bago pa man  ako makapunta dun ay may humablot ng wallet ko.

Lagot ako kay mama neto

Hinabol ko yung magnanakaw.

"TULONG.YUNG WALLET KO PO!!!!."Sigaw ko.Alam kong naririnig yun ng iba kasi natakbo ako habang nasigaw eh.

"KUYA BALIK MO YUNG WALLET KO!!."Sigaw ko habang patuloy ko syang hinahabol.
Si kuya naman eh,pakipot pa!talagang ako ang pinahahabol.Hindi ba nya alam na nakakapagod itong pagtakbo ko,wala naman kami sa marathon eh.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makita kong nakahiga na sa kalsada yung magnanakaw at hawak hawak sya nung lalaki sa damit.Luh sinuntok ni kuya yung magnanakaw.

Lord kung sino man po yung lalaking yun salamat po sa pagpapadala sa kanya.

Pumunta ako dun sa pwesto nila at kinuha ko yung wallet ko sa magnanakaw.Pagkatapos ay humarap ako dun sa lalaking sumuntok dun sa magnanakaw na nasa likod ko ngayon.

Pagharap ko sa kanya ay nakatingin lang din sya sakin.Nang magtama ang aming mga mata ay lumakas ang tibok ng puso ko.Huminto ang lahat ng tao sa paligid na para bang ako at sya lang ang nandito sa lugar na toh at---pwe!!kung ano ano naman ang nasa utak ko!kakabasa ko na to ng mga nobela.

Humarap ako kay kuya na nakatingin lang sakin.Gwapo sya ha,Magpapasalamat na sana ako ng bigla syang tumakbo.Takot ba si kuya sakin?hehehe.

Ay bad sya.Joke lang hehehe.

Tiningnan ko naman si kuyang magnanakaw at hawak na pala sya ng mga pulis.Nakaposas narin sya at pilit pinapapasok sa loob ng sasakyan.

"Ahm mamang pulis wag nyo na po kunin si kuya."Pakiusap ko sa kanila.Nakakaawa naman kasi eh.Actually matanda na yung nagnakaw sakin.

"Bakit naman hindi pwede?Ninakawan ka nya diba hija."Sambit ni mamang pulis.

You're all I need Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon