"What do you want?"Nagulat naman ako sa pagsasalita nya.Alam nya na agad na nandito ako."Ahmm ibibigay ko lang tong sandwich."Nakangiti ko lang sabi sa kanya kahit hindi sya nakatingin sakin.Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi nya.Ilang pulgada lang ang layo namin.
"I don't need that sandwich. Leave."Kahit sinabihan nya akong umalis ay di ko ginawa.Gusto ko syang maging kaibigan kahit na masungit sya.
"Tanggapin mo na.Ako gumawa nito tsaka hindi ka pa ata nakain ng lunch."Pangungulit ko sa kanya.
"I said leave.I don't need your sandwich "Malamig nyang tugon habang nakatuon ang mga mata nya sa libro.
"Eh sige na kunin mo na."Alok ko sa kanya nung ginawa kong sandwich kaninang umaga.
"Can't you see!?I'm currently reading but you keep disturbing me!."Luh galit na ata sya.
"Sorry.Gusto ko lang naman na kunin mo tong ginawa ko.Pasasalamat ko yan sa pagtulong mo sakin."Medyo mahina na ang pagkakasabi ko.
"Hindi ko kailangan ng kapalit.Just leave me alone."Ngayon naman ay nakatingin na sya sakin habang sinasabi ang mga katagang yun.Walang kahit anong emosyon ang makikita mo sa kanya.
"Sige sorry ulit."Umalis na lang ako at bumalik na sa room.Ang hirap nya palang kaibiganin,napakasungit,pero di ako susuko.
Pagpasok ko sa room ay hinanap ko ang bag ni Fryle at palihim kong inilagay doon yung sandwich na ginawa ko.Wala naman sigurong nakakita nung ginawa ko.
"Hoy ano yan ha!?."Tanong naman sakin ni Thalia.Akala ko walang nakakita,malinaw pala ang mata ni Thalia.
"Shhh!!wag kang maingay hehehe.Balik na tayo sa upuan."Ani ko at hinigit ko na sya pabalik dun sa upuan namin.
"Ano yun ha!at saan ka nga pala pumunta kanina?.."Tanong ni nya.
"Ano kasi...Sinundan ko si F-Fryle.Ibibigay ko kasi sa kanya yung ginawa ko kaya lang di nya tinanggap."Pagkukuwento ko sa kanya.Ayoko naman magsinungaling kasi bad yun pero minsan kailangan kong gawin hehehe.
"Huluaan ko..Dun mo sya nakita sa likod ng Building ng Nursing noh?."Para bang sigurado na sya sa hula na.Alam naman nya ata eh may pahula hula pa sya.
"Paano mo nalaman?."Takang tanong ko.Kahit sa tingin ko ay alam ko na ang sagot.
"Dun kasi yun napunta tuwing lunch at nagbabasa ng libro.Tahimik kasi dun at walang iistorbo sa kanya."Aniya habang kumakain nang sandwich na binigay ko sa kanya.
"Hindi ba sya nakain ng lunch?.Hindi ko kasi sya nakikita sa cafeteria eh."Takang tanong ko.
"Interesado ka noh?..Hindi ko sya nakikitang mag lunch pero dun lang talaga sya laging nakatambay."Aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/273548349-288-k680403.jpg)
BINABASA MO ANG
You're all I need
Fiksi RemajaWag pilitin ang tao kung ayaw nya talaga pero dahil sa makulit ang bida gumawa sya ng paraan para maging magkaibigan sila ng taong nagligtas sa kanya sa kapahamakan.Ang tanging gusto lang naman nya ay maging kaibigan ito pero di nya namamalayan na...