“Walang Katapusang Pag-ibig”
by: SitCHi97
Taohan sa kwento:
John Romeo Agustin - (JR, Romeo o Raj)
Juliet Anne Castuarez – (Julie o Jac)
Jericho Agustin – (Jeric)
Mark Cruz
Juvyniel Fuentes (Niel)
Ibang taohan sa kwento:
Stephen James Agustin
Nicky Mae Agustin
Ramon Agustin – (Tatay Ramon)
Dra. Santiago
Richard Fuentes – (Rich)
Mr. Castuarez – (Tatay ni Julie)
Kasabihan:
Juliet- Hindi pa huli ang lahat, dahil kung mahal mo talaga siya, at mahal ka rin niya, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magkabalikan ka’yo ulit, kahit ilang taon pa ka’yo naghintay para makita lang ulit ang isa’t isa.
Romeo- Ang totoong pagmamahal ay kayang maghintay. Ipaghiwalay man ka’yo ng ilang beses may paraan pa’rin ka’yo para magkita muli, at kung mahal niyo talaga ang isa’t isa walang susuko hanggang sa huling hantungan.
Jericho- Kahit ga’no pa ka sakit, kailangan ‘mong mag-paraya para sa taong mahal mo. Dahil kung ipagsi-siksikan mo lang ang sarili mo para sa kanya, kahit alam ‘mong ibang tao ang mahal niya at hindi ikaw, mas masasaktan ka lang; dahil sa puso’t isipan nya, siya at siya pa’rin ang laman noon.
Mark- Kung mahal mo ang isang tao, wag ka na mag-aksaya pa ng oras, sabihin mo na agad sa kanya ang nararamdaman mo, dahil baka may mangyaring isang bagay na hindi kinagawian, isang bagay na pwedeng ika-gulo ng buhay at nararamdaman mo.
Juvyniel- Gawing mahalaga ang bawat takbo ng oras sa buhay mo. At matuto ka’rin mag mahal ng iba, kahit gano ka pa ka-inis sa kanya, dahil alam ‘mong sa sarili mo na mahal mo siya.
Kwento:
Kabanata 1 (Pananaw ni JR ‘Romeo’)
“Kuya!!! Gumising ka na, pinapababa ka na ni itay”
Pagdilat ko ng mata ko, nakita ko agad ang mukha ng kapatid ‘kong babae, si Nicky siya ang pinaka bata sa’ming magkakapatid.
“Oo, gigising na po.”
Nag-hilamos muna ako bago bumaba sa may sala at dumiretso sa kusina
“Hijo, ano’ng oras ang pasok mo ngayon?” tanong agad sa’kin ng tatay ko. “Mamaya pa ‘pong 9:30 am”
Hi, nakalimutan ‘kong makipagkilala sa inyo, ako nga pala si John Romeo Agustin, apat kaming magkakapatid, Dalawa kaming panganay sa magkakapatid parehas kaming 18 taong gulang yun ay si Jericho Agustin, sunod naman sa’min ay si Stephen James Agustin 16 taong gulang at ang pang-huli naman ay si Nicky Mae Agustin 15 taong gulang. Halos magkakasunod lang kami ng taon, pero sa totoo lang Kinakapatid ko lang silang tatlo, maaga kasing namatay ang totoong tatay ko, tapos nag-asawa naman ulit si Mama at si Tatay Ramon yun, na siyang ama ko ngayon, at namatay naman ang nanay ko nung 13 taong gulang ako, at hindi ko rin kadugo sila Jeric at Stephen, si Nicky lang ang ka-dugo ko sa’ming magkakapatid, si Nicky lang rin naman kasi ang naging anak nila Tatay Ramon at Mama.
BINABASA MO ANG