Happy Reading... :)
=====
This is a work of Fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
All Rights Reserved.
Rebecca Dela Roxas (House Mate)
by:SitCHi97
Maraming taon na ang nakakalipas...
Simula nung umalis ang mga Dela Roxas sa kanilang tahanan...
Dahil sa kremen na nangyari sa kanilang tahanan...
At dahil na rin sa mga nakaka-balaghang nangyayari sa loob ng isang buwan..
*****
Bagong lipat kami dito sa Fel Febris Village...
Pero may nararamdaman na akong kakaiba sa bahay namin...
Lalo na sa salamin ng kwarto nila Ate..
Ako nga pala si Richard Zentovas, isang 1st year college student..
At ako ay may ate na nag-ngangalang Michelle Zentovas, isang 3rd year college student.. at isang nakaka-batang kapatid ni Richelle Zentovas 3rd year high school..
"AAAAAAHHHHHHHH!!!!!!" Rinig 'kong sigaw nila Ate at Richelle... agad ko silang pinuntahan sa kwarto nila dahil nag-aalala ako na baka may masamang nangyari sa kanila..
Pagpasok ko sa kwarto nila Ate ay nakita ko silang dalawa na magkayakap na halatang takot na takot..
Sumunod naman na pumasok sila Mama at Papa..
"Bakit ano nangyari sainyo Michelle??" tanong ni Papa na halatang nag-aalala rin..
"M-Ma-May na-naki-ta p-po k-ka-si ka-mi-ng b-ba-baeng d-dugu-an..." utal utal na sabi ni Richelle dahil sa kanyang pag-hagulgol..
Pati si Ate Michelle ay umiiyak rin..
"Papa, multo.. Multo po siya!!" Bulyaw ni Ate na parang nasisiraan ng bait..
Nilapitan sila ni Mama at pinapatahan...at sinasabing hindi totoo ang multo..
Naniniwala ako kena Ate.. dahil na rin sa mga kilabot na dumadaloy sakin sa tuwing napaparito ako sa kwarto nila Ate..
Ilang araw na ang nakaka-lipas simula ng mangyari ang pag-sigaw nila Ate.. sa mga araw na nag-daan ay laging na-iikwento sakin nila Ate ang mga panaginip at lahat lahat ng nangyayari sa kwarto nila..
Mga bagay-bagay na hindi mo maipaliwanag..
Isang araw.. pumasok ako sa kwarto nila Ate dahil may pinapakuha si Ate sa kwarto..
Nung una ay nakalimutan ko ang tungkol sa multo na sinasabi nila Ate... dahil masyado akong nalublob sa mga Computer Games..
Kinuha ko na yung Libro ni Ate sa History dahil ito ang exam nila para bukas.. nung dumaan ako banda sa may Salamin nila..
Para bang may nakita akong babae na naka-suot ng Puti na damit na puno ng dugo sa lahat ng bahagi ng damit nito... akala ko ay namalikmata lang ako nung una dahil nga sa paglalaro ko ng mga Computer Games kaya ako nag-iilusyon ng mga bagay bagay...
Binuksan ko yung ilaw para makasigurado ako na wala lang yun pero sa pag-bukas ko ng ilaw ay nakita ko nga yung babae...
Nakatingin siya sakin na para bang galit na galit... hindi ko siya kilala pero natatakot ako...
BINABASA MO ANG