"Way Back Memories"
Written by: Nick De Guzman
Re-written by: SitCHi97
This story was produced by Nick De Guzman, who is also one of the characters..
This work, is based in true story..
Everything that you'll read in this story are true..
Except for the names..
It is for the safety and privacy of the characters or person..
-RY (SitCHi97)
P.S
Tagalog po ito.. :) napa-english lang ang intro.. (TagLish)
And I don't do 3rd Person's POV..
so this would be the first time..
=====
Nick's POV
"Hoy! test paper ko! maya mo na yan basahin.." ako
"'to naman, tinitingnan lang eh.. oh!" sabay abot niya naman ng test paper..
Last Quarter Examination namin ngayon... at English ang pinaka-unang subject.. sus!.. chicken lang naman 'to..
Ako nga pala si Nick De Guzman, 14 y/o pero third year na ako.. sadyang matalino lang..
Tinake ko na yung English exam..
"If you were to make a movie, what story would you like to show your audience?"
Yun yung nakalagay sa Test 2 letter B
napa-ngiti na lang ako.. ano nga ba ilalagay ko??
*Flashback*
3rd Person's POV (Narration)
Nag-transfer si Nick ng eskwelahan noon, dahil ang kanyang nakaraan na eskwelahan ay may problema sa lisensya.. at ipinasara ito..
Second year siya noon nung siya ay lumipat.. At kakasimula lang ng 2nd Quarter ng paaralan..
Nilagay si Nick sa Star Section, dahil sa kanyang matataas na grades sa kanyang nakaraan na eskwelahan.. May apat na section ang Second Year Batch, naka-arranged iyon Alphabetically at academically.
Nung unang araw niya ay, naging maayos naman at madami siyang naging kaibigan, pero hindi siya masyadong nag-sasalita..
Nung sumunod na araw.. ay nilipat si Nick sa pangalawang section dahil gusto makita ng adviser ang totoong potensyal ni Nick. Dahil na rin sa taas ng standard ng paaralan.
Sa second section, May nakilala si Nick na babae, pangalan nito ay Kate. Seatmates sila , at nagkakamabutihan. At sila ay naging mag best friends habang tumatagal.
Masyado silang naging malapit, kaya ang iniisip ng iba ay sila na, pati na rin ang mga teachers yun rin ang iniisip. Pero hindi, mag-kaibigan lang talaga sila, dahil meron ng boyfriend si Kate, at alam yun ni Nick. Pero hindi kilala ni Nick kung sino ang boyfriend ni Kate.
Kahit matapos ang klase nila ng 2:30 pm ay magste-stay parin sila sa school hanggang 5:00 pm para lang magkaroon sila ng bonding at para na rin sa practice ng PEPSQUAD.
Isang araw, Nag-away si Kate at ng kanyang boyfriend. Tumakbo si Kate sa kanyang mga ka-myembro sa PEPSQUAD..
Nakatayo lang si Nick sa tabi ni Rachelle na family friend nila Kate. Nag-usap sila Kate at Rachelle tungkol sa naging away nila ng kanyang boyfriend, dahil hindi naman alam ni Nick ang pagkakakilanlan ng boyfriend ni Kate, hanggang sa may narinig siya na pangalan na nabanggit ni Rachelle, "MJ".
Nagulat si Nick, dahil ang kilala niyang MJ sa school ay babae. Hindi na lang umimik si Nick at nag-kunwari na para bang walang narinig.
Isang araw, ay kinausap siya ni MJ, at sinabihang wag na siyang lumapit pa kay Kate, at wag ng pansinin ito, dahil nakaka-apekto raw ito sa kanilang relasyon.
At nung araw na yun ay hindi siya masyadong nakiki-pag usap kay Kate.
Habang nag-lalakad siya sa corridor, nakita niya si Kate na naka-upo sa isang bench, na nag-iisa.
Pero bago yun nangyari ay may naka-pag sabi na sa kanya na classmate nila na umiiyak si Kate, dahil hindi raw ito pinapansin ni Nick.
Kinausap ni Nick si Kate, at sinabi kung ano ang sinabi sa kanya ni MJ kaninang umaga. At lahat ay bumalik na sa dati..
Isang araw, narinig (nalaman) ni Nick na wala na sila Kate at MJ. Medyo na-guilty naman ng ka-unti si Nick, dahil baka isa siya sa dahilan kung bakit sila nag-hiwalay.
Pero hindi naman yun naging hadlang para sa pagiging mag-kaibigan nila Nick.
Pag-karaan ng ilang buwan, iba na ang nararamdaman ni Nick para kay Kate, mahal na niya ito, at hindi na kaibigan ang tingin niya dito..
Inamin niya ang nararamdaman niya para kay Kate, at pagkatapos ng ilang lingo, ay inamin na rin ni Kate ang nararamdaman niya para kay Nick..
At naging sila na...
*End of Flashback*
Nick's POV
Hhhhaaaay sa wakas!!.. natapos na rin isulat.. at nilagyan ko pa ng Malaking THE END! sa huli..
Masaya nga naman ulitin ang naka-raan pero minsan rin nakaka-lungkot..
Kahit papano.. maganda rin ulit-ulitin.. ang mga magagandang nakaraan..
Pero sabi nga nila.. wag masyadong mag-tagal sa nakaraan.. dahil anjan si future nag-hihintay..
Way Back Memories
Written by: Nick De Guzman
Re-Written by: SitCHi97
Cover Picture by: Nick De Guzman
Cover Font Color by: Fea Velle Ramos
Cover Color & Font by: SitCHi97
Fea Velle Ramos is the high school girl in Unfinished Ending :)
pero nde nya tlga totoo na pangalan yang Fea.. :)) gawa gawa lng..
BINABASA MO ANG