NAIINIS na pinihit ulit ni Coreen ang susi ng kanyang sasakyan at piping nagdasal na umandar. Nasa parking lot pa rin siya ng kompanya dahil bigla na lamang tumirik ang kanyang sasakyan. It's almost dinner time at hindi pa rin siya nakakauwi. For the 8th time sinubukan niyang paandarin ang sasakyan niya pero wala pa rin. Naiinis siyang lumabas ng kotse at binuksan ang kanyang cellphone saka hinanap sa contacts niya ang numero ng pinsan niyang si Bruce para magpasundo.
Nakakalimang tawag na siya pero hindi pa rin sumasagot ang kanyang pinsan. Nagulat siya ng biglang may lumapit sa kanya, kaagad siyang nakabawi nang makitang si Robert lang pala. She let out a deep sigh.
"May problema ba Coreen?" tanong sa kanya ng lalaki. She wasn't sure if he's waiting for her to go home first or she was just assuming things.
"Ah, oo sir. Ayaw magstart ng kotse ko." she told Robert. Hindi na niya kinausap ulit ang lalaki saka patuloy na sinusubukang tawagan ang pinsan.
"Pick up the phone Bruce." usal niya habang naririnig na nagriring lang palagi sa kabilang linya ang numero ng pinsan niya. Pipi siyang nagdasal na sana naman ay sumagot na ang pinsan niya at sa wakas narinig nga ang kanyang dasal. Her cousin answered her call.
"Thank God you picked up. Kanina pa ako tumatawag sa'yo. Busy ka ba? Can you come and pick me up? Ayaw mag start ng kotse ko." bungad niya sa pinsang kausap.
"Hey. Isa-isa lang. Nasa Cebu ako, may pinuntahan akong festival. Magpasundo ka nalang sa driver niyo."
Nanlumo siya sa naging sagot ng pinsan. Wala ang driver nila ngayon dahil pinag-day off ng kanyang mommy since siya na mismo ang nagmaneho ng kotse niya kaninang umaga.
"Pinag-day off ni mommy si kuya June." nalulungkot niyang wika sa pinsan.
Narinig pa niya ang biglang pagkulog ng langit kaya mas natataranta siya at gusto ng makauwi. Ayaw naman niyang maabotan ng ulan dahil baka ma-traffic siya. Hindi rin naman siyang puwedeng tumawag ng mekaniko dahil baka gabihin pa lalo kapag inayos ang kotse niya saka baka maabotan pa ng ulan bago maayos ang kotse niya.
Napabuntong-hininga siya saka nagpaalam sa pinsan. Nakalimutan niyang kasama pa pala niya si Robert, she gathered all her courage and look at Robert with a pretty smile. Wala naman sigurong masama kung magpapahatid siya sa lalaki. Ngayon lang siya hihingi ng pabor dahil gipit siya. Just when she's about to ask him, naunang magsalita ang lalaki.
"Would you mind if I take you home? Looks like ayaw talaga mag-start ng kotse mo." Robert told her. Hindi niya napansing tinignan pala ng lalaki ang lagay ng kotse niya.
Nagdalawang-isip pa siyang tanggapin ang alok ng lalaki dahil ayaw naman niyang maabala ito pero wala siyang choice. Kakapalan na niya ang mukha niya dahil gusto na rin niyang makauwi.
"Hindi ba nakakaabala sa'yo? Baka maka-istorbo pa ako sa'yo."
Kahit naman kating-kati na siyang umuwi tinutubuan din siya ng hiya. Robert just shrugged his head and smile at her. Ayan kinilig na naman siya.
"Definitely not a problem babe." he answered her. Shit! Namumuro na sa kanya ang lalaki kaka-babe nito sa kanya na gustong-gusto naman niya.
"Thank you."
Ni-lock ni Coreen ang kanyang sasakyan dahil bukas na lamang niya ito ipapahatid sa auto shop para maipaayos. Kampante naman siyang walang mangyayari sa kotse niya dahil may guard naman sa parking lot at may cctv rin na nakatutok sa buong parking lot. After making sure na nasarado na niya ng maayos ang sasakyan niya, she went to Robert's car and he gladly open the door for her. Lakas talaga maka gentleman.
"Thank you ulit sir. Pasensya na talaga sa istorbo sir." she uttered while putting the seatbelt.
"It's okay. And please refrain from calling me sir, puwede namang 'babe' na lang." Robert told her. Nagpanggap pa siyang hindi narinig ang huling sinabi nito at tinuon na lamang sa labas ng bintana ang kanyang atensyon.
BINABASA MO ANG
BAIT [slow update]
General FictionWARNING: SPG | R-18 | MATURED CONTENT | ONE mistake that leads her to such situation. A mistake that she thought she would get away. A mistake that made her world turn upside down. A mistake that somehow made her happy for a short period of time. H...