"SHIT siya Marlyn! Porket hindi ko siya pinagbigyang galawin ako lolokohin niya na ako? Anong karapatan niya? Edi sana nung una palang sinabi niya na sex lang pala habol niya!" bulalas ni Coreen sa kaibigan habang walang sabing tinungga ang alak at humirit pa ng isang bote sa bartender.
Nasa bar siya at kanina pa umiinom. Palibhasa nahuli niya lang naman kasi ang boyfriend niyang si Adrian na nakapatong sa babae habang parehong walang saplot ang mga ito. Hindi siya tanga para hindi malaman kung anong ginagawa ng mga ito.
"I know Coreen, mas mabuti na iyong nahuli mo sila ng mas maaga kaysa naman hindi. Lolokohin at lolokohin kalang nung Adrian na 'yon. Nung una pa man din sinabi ko na sa'yo na hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon at hindi nga ako nagkamali. Tahan na. He's not worth it of your tears." Marlyn told her.
She was so pissed. Nang mahuli niya ang nobyo kanina, hindi na siya nito hinabol. What's the use of chasing her? Nasarapan na ito sa kandungan ng iba at alam nitong hindi na niya makukuha pa si Coreen. He's an asshole.
Nagpakasasa lang sa alak si Coreen habang ang kaibigan nitong si Marlyn ay tahimik na dinadamayan siya. Narinig pa niyang nagpaalam ang kaibigan dahil may sasagutin itong tawag. Inihatid niya lang ng tingin ang kaibigan at muli na namang umorder ng alak sa harap ng bartender.
Nakaka-apat na bote na siya ng alak nang bumalik na si Marlyn sa kinaroroonan niya. Nagtaka siya nang makitang may kasama itong lalaki. Kahit medyo nahihilo na siya, alam niyang hindi nobyo ni Marlyn ang kasama nito nang bumalik ito sa kanya. Tiningnan niya ng may pagtataka ang kaibigan.
"Chill Coreen. Tito ko 'to, kapatid ni papa. May ka business meeting lang siya sa kabilang kanto and tumawag sa'kin kanina, nagtanong kung may bar ba akong alam na malapit sa place na pinag-meetingan niya at thankfully malapit lang pala dito ang naging meeting niya kaya pinapunta ko na siya dito." paliwanag sa kanya ng kaibigan.
Well matinong babae naman si Marlyn kaya imposibleng makita niya itong may kasamang ibang lalaki bukod sa boyfriend at kamag-anak nito.
"I see." tanging tugon ni Coreen.
"By the way Tito, this is Coreen my friend and my classmate sa Far East Academy. Coreen this is my Tito Robert the co-owner of Rodriguez Construction and Steel Company that my dad manage." pakilala ni Marlyn sa kanya ng kasama nito.
"Nice to meet you po." usal niya. Tango lang ang tugon ng lalaki sa kanya at umorder na ito ng alak sa bartender.
She keeps on looking to Marilyn's uncle. Hindi siya makapaniwalang may tito ito na ganito ka gwapo. Oo umiikot na ang paningin niya pero hindi niya mapigilang purihin ang lalaki. Gwapo ito, maganda ang hubog ng katawan at sigurado siyang wala pa ito sa early 30s nito.
"You know it's rude to stare." pukaw sa kanya ni Robert. Hindi niya namalayang nahuli pala siya nitong nakatitig sa kanya. Napalunok siya ng bahagya dahil tinitigan siya nito sa paraan kung paano niya ito titigan kanina.
Umalis saglit ang kaibigan niyang si Marlyn dahil may tumawag na naman dito. Naiwan siya muli kasama ang tito ng kaibigan niya. Pang-anim na bote na niya ang kasalukuyan niyang nilalaklak at aaminin niya, hindi siya nalalasing dahil sa alak kundi dahil sa presenya ng kasama niya sa bar counter.
"If you don't mind me asking how old are you? Sigurado akong hindi kayo magkasing-edad ni Marlyn." tanong ni Robert sa kanya bago nilagok ang alak nito sa baso.
"Tama ka. Marlyn and I are not of the same age. Natigil ako sa college ng 2 years so basically I'm 24. I hope it answered your question." wika niya sa kausap. Hindi na niya idinugtong ang pagbubulakbol niya noong highschool, baka isipin ng lalaki masyado siyang madaldal.
BINABASA MO ANG
BAIT [slow update]
General FictionWARNING: SPG | R-18 | MATURED CONTENT | ONE mistake that leads her to such situation. A mistake that she thought she would get away. A mistake that made her world turn upside down. A mistake that somehow made her happy for a short period of time. H...