MASAYANG pinagmasdan ni Coreen ang sarili sa full body mirror na nakalagay sa kanyang kwarto. She's wearing a black pencil skirt na above the knee and she pair it with a white long sleeves plus she's also wearing a 3 inches black heels. Hindi siya sanay na magsuot ng heels pero dahil internship nalang ang huli niyang tatapusin at makakapaglakad na siya sa intablado na nakasuot ng toga kakayanin niya. Sana lang ay hindi siya matapilok, ayaw naman niyang mapahiya sa harap ng maraming tao.
Habang pinagmamasdan ang sarili, narinig niyang kumatok sa pintuan ang mommy niya na agad naman niyang pinagbuksan ng pintuan. Pinagmasdan siya ng ina habang may ngiti sa mga labi nito.
"I'm so happy for you sweetie." masayang usal ng kanyang mommy saka siya niyakap ng mahigpit.
"Finally, you are one step closer to your dream sweetie. I'm so proud of you--we are so proud of you." tinugon niya ang yakap ng kanyang ina. This is exactly the fruit of her hardwork, seeing her mom happy is priceless.
"Of course 'my, I will do my best to make you proud." wika ni Coreen habang yakap-yakap pa rin ang ina.
Hindi na nagtagal ang pag-uusap nina Coreen at ng kanyang mommy dahil paalis na siya patungo sa kompanya kung saan siya mag-iintern. Nagpaalam na siya sa kanyang mommy at daddy saka mabilis na pinaandar ang kanyang kotse at tinahak na ang daan patungo sa kanyang pupuntahan. Kahapon pa niya nalaman kung saang kompanya siya naka assign at sa tantya niya ay maganda at malago ng sobra ang nasabing kompanya.
Dahil maaga pa naman, dumaan muna si Coreen sa J Bistro para bumili ng kape dahil nakalimutan niyang mag-agahan dala ng sobrang excitement buti nalang at on the way ang nasabing cafe. Pagkatapos magkape ni Coreen sa J Bistro dumiretso na siya sa kanyang pupuntahan. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang kompanya dahil walang traffic sa dinaanan niya at nag-research na siya kagabi sa history nito.
Rodriguez Construction and Steel Company. Usal ni Coreen nang maaninag niya ang pangalang nakaukit sa 30 storey building na nasa harapan niya.
This is it. Nasa labas lang din ng building ang parking lot kaya less hassle. Naglakad na si Coreen sa entrance ng building at pinagbuksan naman siya ng glass door ng guard. Nalula siya sa sobrang laki ng building.
I'll make sure na magkakapagtrabaho ako rito after ng internship ko.
Kaagad na siyang naglakad sa reception desk at nagtanong kung saang floor ang office ng HR. Hindi pa man niya naibubukas ang kanyang bibig ay naunahan na siya ng receptionist.
"Ms. Coreen Cepeda? This way ma'am." usal sa kanya ng isang receptionist saka nagtungo sa elevator.
"Mr. Rodriguez is expecting you ma'am." dagdag pang sabi ng babae sa kanya. Naguguluhan man siya sa mga narinig sumunod pa rin siya sa babae at nakita niya itong pinindot ang 20th floor. Tahimik lang siyang nakasakay sa elevator habang nagtatakang hinintay na makarating sa 20th floor. Why would the boss be expecting her? She doesn't even know him personally. Does it have something to do with her parents? Hindi naman siguro mangingialam ang mommy at daddy niya sa internship niya diba?
Natigil lang siya pag-iisip nang marinig ang tunog ng elevator tanda na nasa 20th floor na sila. Hindi na siya sinamahan ng babae, binigyan na lamang siya nito ng direksyon papunta mismo sa opisina ni Mr. Rodriguez. Deretso ang naging lakad niya at sinunod ang sinabi ng babae sa kanya. Kinakabahan siya dahil unang araw palang niya ngayon ay pinatawag kaagad siya ng may-ari ng kompanya.
Nasa harap na si Coreen sa pintuan ng opisina ni Mr. Rodriguez at aaminin niya, kabadong-kabado siya. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok. Pipihitin na sana niya ang pintuan subalit naunahan siya ng tao sa loob. Lumabas mula sa pintuan ni Mr. Rodriguez ang isang lalaki na matangkad at sa hula niya ay secretary ito ni Mr. Rodriguez. Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan at binati ito.
BINABASA MO ANG
BAIT [slow update]
General FictionWARNING: SPG | R-18 | MATURED CONTENT | ONE mistake that leads her to such situation. A mistake that she thought she would get away. A mistake that made her world turn upside down. A mistake that somehow made her happy for a short period of time. H...