Chapter 16: Isang Araw na Reyna

280 6 0
                                    

Warning: Hot and Steamy Content!
Read at your own risk!

Chapter 16: Isang Araw na Reyna

Sa totoo lang, hindi naman nag- enjoy si Lorena habang nasa golf club at pinapanuod sina Sae Yoon at ang mga kaibigan nito na naglalaro. Hindi niya ma- gets ang laro. Parang wala namang ginawa ang mga ito kundi paluin ang bola tapos mawawala na sa kawalan sa malawak na field. Hindi niya alam pero sayang- saya sila roon. Hindi niya rin masyadong kinakausap ang mga kabit na kasama niya. Si Rabilin hindi na niya nasagot pa sa tanong nito kung gaano na sila katagal ni Sae Yoon. Napunta na kasi ang atensyon nila sa mga lalaki nila nang magsimulang maglaro ang mga ito. Kung maka- cheer kasi sila ay wagas. Syempre kailangan extra sweet din siya kaya kahit napipilitan at nagchi- cheer din siya para kay Sae Yoon. Magandang paraan na rin 'yon para di na siya makapagsabi pa ng kung ano bilang bilin din iyon ng lalaki.

Ang kaibahan lang sa sandaling iyon ay sa kauna- unahang pagkakataon ay namuhay talaga siya na para bang isang reyna. Yung nakikisaya lang. Yung parang hindi nagtatrabaho na kailangang paghirapan ang lahat habang iniisip ang perang kikitain. Pinapayungan pa sila. Dinadalan ng maiinom at makakain.

Makalipas ang mahigit isang oras na paglalaro ay nanalo si Sae Yoon sa laro ng mga ito. Kung makapalakpak siya ay wagas. Lumapit siya rito. "Wooooh! Ang galing naman. Paano kaya siya nanalo? Ano kayang nangyari dun sa mga bola?" Saad niya habang naglalakad.

Paglapit niya rito ay pinunasan niya ito ng pawis. "Congrats my oppa! You're so great!"

Bigla naman siya nitong hinigit at hinalikan. "Thank you my lovely angel. You're my lucky charm!"

Labis na inis ang kanyang naramdaman dahil nagsamantala na naman ito ng halik sa kanya. Buti sana kung sa pisngi lang at hindi madiin pero sa labi pa talaga siya nito hinahalikan at grabeng diin. Full force ba.

"Saranghaeyo." Pahabol pa nito.

Hindi na siya tumugon pa. Heto na naman ang lalaki sa pagsasabi ng katagang iyon ng walang emosyon.

Matapos nitong magpalit ng suot from casual sportswear to semi- formal attire ay nagpaalam na sila sa mga kaibigan nito at mga kabit. Muli itong nagmaneho pabalik ng Metro Manila.

"You did a great job their." Saad nito.

Huminga siya ng malalim bago tumugon. "Why do you need to bring your mistresses in one place? Is it necessary? Kailangan talaga magkakasama kayong magkakaibigan kasama ang mga kabit ninyo."

"They're not my friends." Mabilis pa sa alas kwatrong tugon nito.

"A- ano?!" Gulat niyang reaksyon.

"We were classmates in Seoul National University. We all have businesses here in the Philippines. We just see each other to brag our wealth and our girls. We are not the friends that you think." At mas nalinawan pa siyang lalo sa ibig sabihin nito.

"Ay iba rin pala talaga. Dimunyu nga. Mga plastic pala ang mga 'to eh. Nagpapayabangan lang. Napapayamanan. Nandamay pa ng mga babae nila. Ibang klase talaga ang isip nitong lalaking 'to pati nung mga kaibigan niya. Ang sakit niyo sa bangs kahit wala akong bangs. Kaloka!"

"That's too much Filipino. What did you say?"

"Nevermind. I just pray." Saka siya tumingin nalang sa labas ng mamahaling sasakyan. Ilang sandali pa't nagpatugtog na naman ito at umawit.

Walking down 29th and Park
I saw you in another's arms
Only a month we've been apart
You look happier
Saw you walk inside a bar
He said somethin' to make you laugh
I saw that both your smiles were twice as wide as ours
Yeah, you look happier, you do

THE MISTRESS AND THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon