Chapter 30: Ang Pagbaligtad

137 4 0
                                    

Chapter 30: Ang Pagbaligtad

"If I'll leave Justine, will you be there by my side Lorena? Will you be there to support me?"

Dalawang tanong pero tila napakaraming kahulugan ang pwedeng isama. Ang mga kasagutan ay wala ring hanggan. Baka kasi sa isang maling sagot ay magdulot pa ng mas maraming katanungan, na muli ay hahanapan ng mga kasagutan. Iyon ang pakiramdam ni Lorena sa mga tanong na 'yun Sae Yoon.

Kung maghiwalay man ang dalawa ang pinakamagandang maidudulot 'non ay ang katahimikan sa pagitan ng mga 'to. Walang nang sakalan sa isang kasal na wala namang pagmamahal. Wala nang gantihan at sumbatan sa pagitan ng dalawa. Matatapos na rin ang impyernong buhay nila sa isang bahay na hindi naman tahanan. Sa pagsasamang, hindi naman pamilya. Anong tinatanong nito na suportahan niya ito kung sakaling magdesisyon man itong hiwalayan ang asawa? Pekeng kabit lang naman siya. Binabayaran para pagselosin ang asawa nito. Ang mawawala lang sa kanya ay ang monthly stipend niya. Pwede ring bawiin nito ang condo, sasakyan at iba pang mamahaling mga bagay na binigay nito sa kanya.

Iyon tuloy ang naisipan niyang itanong dito. "When you left her, will you take back everything that you gave me?" Nag-aalangan pa nga siyang itanong 'yun eh.

"Hahaha! Seriously? That's what you're going to ask me? Of course not. That's all yours now, so you better do your job right. Okay?"

Nakahinga siya ng maluwag sa naging tugon. At least ngayon ay alam niyang milyonaryo na talaga siya. May magandang buhay na talaga siyang mabibigay sa anak na si Irene kapag natapos na ang pagpapanggap niya.

Tumayo na ito at akmang aalis na ng kanyang unit. Medyo nakonsensya siya dahil wala siyang naitulong upang kahit papano'y mapagaan ang loob nito mula sa pinagdaraanan nito.

"I have to go." Saad nito.

"Wait Sae Yoon." Pagpigil niya rito. "You want to eat dinner? I'm sure I haven't eat too because of everything that happened in the hotel. I can cook dinner for us. It's just a simple meal but it's edible."

"You sure?" Tanong nito.

Tumango siya. "Yes of course. I'll cook sinangag. I think I have bahaw na kanin from the breakfast. And sinangag is also for breakfast but who cares. Then I'll cook chicken adobo."

"So you're going to serve me an old rice?" Magkasalubong na ang mga kilay ng oppa.

"Don't worry I'll make it very delicious. I will put a lot of garlic and vetsin."

"V-vetsin?"

Tinalikuran na niya ito at hindi na nagbihis pa. Dumiretso siya sa kusina ng kanyang unit. Naupo naman si Sae Yoon sa kanyang sofa. Andami nitong tinawagan at ginawa sa phone. Kahit na gabi na ay nagtatrabaho pa rin ito.

Inayos ni Lorena ang kanyang sinangag at chicken adobo. Inamoy niya ang bahaw. Hindi pa naman 'yun panis at pwede pa talagang ipang-sinangag. Marunong naman siyang magluto dahil sa pagiging independent woman niya. Gusto niya rin kapag magkasama na sila ng kanyang anak ay ipagluluto niya ito. Ipagbabaon niya ito ng pagkain sa eskwela. Magiging isang mabuting ina siya.

Tinikman niya ang adobo. "Hmmmm... pwede na. Kumakain kaya ang Koreanong hilaw na 'to ng adobo?" Saka niya hinanda ang mesa. Naglagay siya ng tabagan ng sinangag at ng ulam. Naghanda rin siya ng dalawang plato para sa kanila. Tapos ay nagtungo siya sa sala upang anyayahin itong kumain. "Sae Yooon let's eat."

"Finally! I'm so hungry!" Hindi man lang ito nagdalawang isip sa kanyang pag-imbita. Naupo ito sa kabilang upuan. Magkaharapan sila.

"Let's go?"

"Sure."

Hindi na muna siya sumubo. Pinagmasdan niya lang itong hawakan ang kutsara't tinidor. Hanggang kumuha na ito ng kanin at ulam. Hindi niya inalis ang kanyang mga mata hanggang sa sumubo na ito. Hinintay pa niya ang reaksyon nito.

THE MISTRESS AND THE DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon