MIKE:
Tinawag ko si Jhea bago matapos ang klase. "Jhea!" Lumingon siya sa akin, kumunot ang noo ko nang makita kong may mga buong pulbo sa mukha niya. "Grabe ka naman magpulbo, ang dami." Pumikit siya habang pinapantay ko ang pulbo sa mukha niya. "Aray, ang diin naman! Baka mabura mukha ko niyan. Ako na nga." Tinabig niya ang kamay ko at kumuha siya ng maliit na salamin sa bag niya.
Nakatingin lang ako kay Jhea habang nananalamin siya. Nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan ko siya. Ang ganda talaga niya. Pakiramdam ko ang swerte ko dahil ako ang best friend niya, pero minsan nalulungkot din ako tuwing naiisip kong hanggang doon na lang kami. Matagal ko na kasi siyang gusto, pero alam ko ang lugar ko sa buhay niya kaya hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.
'Yung simpleng ngiti ko habang pinagmamasdan siya ay naging tawa nang mag-pose siya nang ngumuso siya habang nananalamin.
"Bakit ka tumatawa?" Huminto siya sa pananalamin at tiningnan niya ako habang nakataas ang isang niyang kilay. "Bakit..." Ginaya ko ang tono ng pananalita niya at tinaasan ko rin siya ng isang kilay, "masama na bang tumawa?"
Hinampas niya ako sa kaliwang braso at inirapan. Minamalditahan ako ni Jhea pero halata sa mukha niya na pinipigilan niyang tumawa. Na-realize niya rin ang dahilan kung bakit ako biglang natawa. Na-conscious na siya. Hindi na siya nanalamin.
Tinuloy ko ang sasabihin ko kay Jhea. "Jhea, pwede ba akong magpatulong sa History?" Sinara niya ang bag niya matapos ibalik sa loob ang salamin. Tiningnan niya ulit ako, itinaas niya ulit ang isang kilay niya. "E paano kung sabihin kong hindi pwede?" 'Yung best friend ko, nagtatampo na naman. Alam ko namang hindi niya ako matitiis. "Sige na, Jhea please? Ililibre kita ng Milk Tea." Mahilig siya sa milk tea, alam kong hindi niya ako matatanggihan. Sumagot siya nang pabulong, "Bahala ka."
"Okay class, you may go. See you next meeting."
Kinikiliti ko si Jhea sa may leeg habang papalabas kami ng classroom. Pinipilit ko pa rin siyang tulungan ako sa History. Hindi siya umiimik. "Oo na. Sige na..." Pabungisngis na sagot niya sa akin, "tutulungan na kita."
Sumunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Hindi naman talaga kami magkasabay tuwing break time dahil madalas kong kasama mga tropa ko. Ngayon ko lang siya sasamahan dahil kailangan ko siyang ilibre ng milk tea.
Nang malapit na kaming makalabas ng classroom, mayroon siyang nginitiang lalaki sa labas. Mukhang naghihintay sa kanya.
Hinalikan niya 'yung lalaking 'yun sa pisngi paglabas namin. Nginitaan niya si Jhea at binitbit ang dala niyang bag.
"Mako, si Mike nga pala, best friend ko. Mike, boyfriend ko, si Ian."
Nagulat ako sa narinig ko. Boyfriend siya ni Jhea. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakaramdam ako ng matinding selos noong narinig ko ang mga salitang iyon. Wala naman akong maalalang sinabi niya na may nanliligaw pala sa kanya. Pakiramdam ko, naagawan ako kaya laking gulat ko noong ipinakilala niya sa akin si Ian bilang boyfriend niya.
Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa. Medyo matangkad siya sa akin na kaunti. Pero aaminin ko, ang gwapo niyang paa.
Lumapit siya nang bahagya at kinamayan ako.
"Ian, pare."
Hindi ko pa siya kilala pero naiilang na ako sa kanya.
"Mike."
Nagpakilala ako nang nakangiti sa kanya. Agad akong bumitaw matapos ko siyang kamayan.
IAN:
Tinanong ko si Jhea, "O ano, saan tayo kakain?" Agad siyang sumagot, "Sa labas na lang tayo kumain. Sa may R. Papa. Gusto ko kasi kumain ng siomai tsaka ililibre daw ako ni Mike ng milk tea..." Tumingin siya kay Mike, "'di ba Mike?"
Kasabay naming kakain si Mike at ililibre pa niya si Jhea. Naiilang ako. Hindi ko pa kasi kilala si Mike at wala akong ideya kung anong klaseng relasyon meron sila ni Jhea bilang best friend niya. Sa totoo lang, ayaw ko sana siyang kasabay kumain pero wala akong magagawa kundi pumayag dahil ililibre niya raw si Jhea.
Naglakad kaming tatlo palabas ng gate ng campus. Hindi ako masyadong nagsasalita habang naglalakad. Hindi ko pa kasi alam ang ikikilos ko sa bilang boyfriend at naiilang ako sa bestfriend niya. Naririnig ko lang ang usapan nila tungkol sa History pero hindi ko masyadong naiintindihan dahil sa ingay ng mga taong nagtitinda at mga jeep sa labas.
Umupo kami pagdating sa tindahan ng siomai. Halatang suki doon si Jhea dahil "Ganda" ang tawag sa kanya ng tindera. Pinagmamasdan ko lang sila Jhea at Mike, hindi ako nagsasalita.
JHEA:
"Ate, tatlong siomai rice nga at Pepsi! 'Wag mong lagyan ng chili sauce 'yung isa ha, bawang lang."
Medyo mainit ngayong araw. Wala kasing bagyo ngayon kahit July. Pumwesto kaming tatlo sa may silong ng malaking payong at doon naupo. Ang init shyet! Nahuhulas ang ganda ko! Kinuha ko muna ang pamaypay ko sa bag habang hinihintay maluto 'yung siomai, kalalagay pa lang daw kasi sa steamer.
Kinuha ni Ian ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang pawis ko sa mukha. Ayan Mako ha! One point ka na! Sweet sweetan ka yata ngayon. 'Wag dito maraming tao! Charot!
"Ang ganda mo pa rin Mako kahit pawis ka na." Sabi ni Ian sa akin habang pinupunasan mukha ko. Syempre sino pa ba maganda kundi ako lang naman 'di ba? Alangan namang si Mike? Chos! Hashtag #GandaProblems.
"Ganda ito na order niyo oh."
"Akin na ho ate." Sabi ni Ian habang iniaabot sa amin ni Mike ang siomai rice.
"'Yun oh! Kainan na!" Gutom na sabi ni Mike.
Habang kumakain, napansin kong tahimik at hindi nag-uusap 'yung dalawa. Binitawan ko muna ang kutsara't tinidor at hinawakan ko sila, "Hoy, bakit ang tahimik niyo? Mag-usap naman kayo."
"Mamaya na Jhea, galit-galit muna ngayon. Gutom tayo e." Sabi ni Mike habang may laman pa ang bibig.
"Ano palang ipapatulong mo sa History?" Tanong ko kay Mike habang kumakain. Uminom muna siya ng Pepsi bago sumagot, "Lahat, tsaka nalilito ako sa mga date. Hindi kasi ako nakapag-notes e." Madali lang pala ang ipapaturo ni Mike. "Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa kailangan natin aralin ang History e. Past is past. Dapat move on na!" Biro pa niya.
Tinanong ko ulit siya, "Kailan ka ba magpapaturo?" Tiningnan ni Mike si Mako bago sumagot, "Mamayang gabi sana."
Tumango naman si Ian, "Sige lang."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Ang Naagawan
Teen FictionIto ay kwento ng isang taong nagmahal at naagawan. Paano mo tatanggapin kung ikaw ang naagawan?