Part 1: Noong Gabing Naging Kami

268 7 1
                                    

"Isip ka ng tawagan natin, Ian."

"Mahina ako diyan e. Ikaw na."

"Uhm, sige. Ano ba gusto mong tawagan natin?"

"Kahit ano basta 'yung sweet pakinggan kapag sinasabi."

"Baby?"

"Ayoko nun, masyadong nang common."

"Babe?"

"Masyadong luma."

"Bebe?"

"Bebe? Hahaha! Ang panget. Nakakatawa pakinggan. "Beh" na lang kaya, Jhea? Gusto mo?"

"BEH?! Ayoko. "Mahal ko" na lang."

"Masyadong mahaba. "Mako" na lang. Short for "Mahal ko"."

"HAHAHA! Ikaw talaga kung anu-ano pumapasok sa isip mo. Sige Mako."

"Hehe. I love you Mako!"

"I love you too Mako!"

"Sige Mako. Medyo inaantok na ako Mako, matulog na tayo?"

"Okay Mako. Inaantok na rin ako e. Good night Mako."

"Good night din Mako! I love you!"

"I love you too, Mako. Good night."

"Sige. Bye bye Mako!"

"Bye Mako!"

...

...

...

"Hoy ibaba mo na!"

"Ayoko nga! Ikaw na magbaba. Ikaw tumawag e."

"Sige na ikaw na magbaba."

"Ayaw."

"Sige na nga. Bye ulit Mako. I love you."

"Bye. I love you too."

IAN:

Halos tatlong oras kaming magkausap sa cellphone noong gabing sinagot ako ni Jhea, July 24, 2011, hindi ko makakalimutan 'yung gabing 'yun. Halos tatlong oras kaming magkausap tungkol sa mga bagay na wala naman talagang kwenta. Kumbaga, may mapag-usapan lang. Kahit anong pumasok sa isip namin o maisingit sa usapan, magiging topic na namin 'yun at may bago na naman kaming pag-uusapan. Basta ang alam ko, gusto ko lang na naririnig 'yung boses niya. Okay na ako dun. Balewala sa akin kahit na mapuyat ako. Basta kapag nagtext siya na gusto niya akong makausap, kahit pa naka-sando at boxers na ako at ready nang matulog, lalabas pa rin ako at maghahanap ng bukas na tindahan para magpa-load. Ganun ko siya ka-gusto.

Tatlong araw ko lang niligawan si Jhea, tapos sinagot na niya ako. Noong una parang ayoko pa ngang sagutin niya ako kasi hindi man lang ako nahirapan sa panliligaw sa kanya. Hindi ko man lang masyadong napatunayan kung gaano ko siya kagusto at kung ano ang mga bagay na kaya kong patunayan para sa kanya. Pero at least, okay na rin 'yun. Alam ko naman sa sarili ko na kaya kong ibigay sa kanya 'yung relasyong pinapangarap niya. Masaya ako dahil ang babaeng pinapangarap ko ay pwede ko nang tawaging "Mako".

Noong ibaba na niya ang tawag, hindi ako agad natulog. Sa totoo lang, hindi talaga ako makatulog kakaisip sa kanya. Sobrang saya ko. Kinikilig ako. Iniisip ko kung ano ang magiging takbo ng relasyon namin. Gusto ko maging masaya siya sa akin. Gusto ko iparamdam sa kanya na mahalaga siya, na may lalaking kaya magmahal nang totoo sa kanya, at ako 'yung lalaking 'yun.

Sa sobrang dami kong iniisip, nakatulog na lang ako nang hindi ko namamalayan.

JHEA:

Hindi naman kasi panliligaw ang pinapatagal, kundi ang relasyon. Kaya nga noong ikatlong araw ng panliligaw sa akin ni Ian, binigay ko na sa kanya ang matamis kong "Oo". Sinagot ko siya noong gabing magkausap kami sa cellphone, July 24, 2011. Noong una, naisip ko ngang mali 'yung ginawa ko kasi dapat sa personal ko siya sinagot. Gusto kong makita ang reaksyon niya, kung kikiligin ba siya, matatahimik o sisigaw sa tuwa. Pero hindi ko napigilan ang bibig ko dahil na rin siguro sa sobrang kilig. Sheeet ang landi ko! Ayun, kami na.

Aaminin ko, matagal ko na kasi siyang gusto. Noong una ko pa lang siyang nakita, crush ko na siya pero hindi ko 'yun pinapahalata. Natatakot kasi ako na baka iwasan niya ako kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya. Kapag kasi sinasabi naming mga babae na gusto namin ang isang lalaki, dalawa lang ang nangyayari diyan; liligawan ka niya dahil alam niyang gusto mo siya o kaya iiwasan ka niya.

Sinabi ko sa kanya na mag-isip siya ng tawagan namin. Kadalasan kasi ngayon sa isang relasyon, may tawagan sila sa isa't-isa. Sumagot agad siya sa akin, "Mahina ako diyan e. Ikaw na." Ang bilis niyang sumagot. Kainis! Hindi man lang siya nag-isip kahit saglit lang. Ang dami kong sinuggest na tawagan namin, lahat ayaw niya. Naisip ko na "Mahal ko" na lang ang tawagan namin pero sabi niya masyado daw mahaba. Siya na mismo ang nag-suggest. "Mako" na lang. Short for "Mahal ko"." Ang cute ng tawagan namin, Mako! Kinilig ako dun nang very light. Very light lang talaga. Emegherd!

Pagkatapos namin makapag-isip ng tawagan, niyaya na niya akong matulog. Alam mo 'yung feeling na 'yung kilig mo nasa mataas nang level tapos niyaya ka agad niyang matulog? Inaantok na raw siya. Nakakabitin! Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mamaya na siya matulog dahil kinikilig pa akong kausap siya.

Sa sobrang landi ko, nakalimutan kong mag-uumaga na pala. Parang 'yung tatlong oras ng pag-uusap namin ay sandali lang. Sobrang na-miss ko 'yung ganitong pakiramdam, 'yung kinikilig. Ang sarap sa pakiramdam kapag 'yung taong bet na bet mo ay bet ka rin. Sobrang saya ko! Pak! Pak! Ganern! Ganern!

May pasok pa pala kami bukas. Reserve muna ang kalandian for tomorrow, kailangan ko nang matulog para maganda ako bukas kapag nagkita kami ni Mako! Mako, my love, see you in my dreams beybeh!

Itutuloy...

Ang NaagawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon