CHAPTER 2

6 0 0
                                    

He is Bryle Cedric Vallemor. He is a basketball player and he is the team captain of the university's basketball team. He is now in 4th year college taking up Business Management.

Sikat ito sa university since gwapo, matangkad, magaling maglaro ng basketball at matalino. May kaputian rin ito at mahihiya ka sa kutis nitong pangyaman talaga ang datingan. Parang kahit pagpawisan, mabango pa rin.

Maraming nanonood sa kanila kahit practice lang. At ang pinakamaraming audience ang babae. Ayokong nakikisali sa mga tagahanga nila na lantarang pinapakita ang interes ng mga ito sa kanila. Nasa isang sulok lang talaga ako at tahimik na sumusuporta at humahanga.

Naalala ko pa ang sinabi ng isa sa mga teacher ko noong grade 7 habang nakatingin kami sa mga varsity player ng school na may bitbit na mga duffle bag.

"Itong mga varsity na ito, parang palaging naglalayas. Ang daming laman ng mga bag, sana ganun rin ang utak, maraming laman, hindi yung puro basketball at laro."

Napalingon kami sa kanya. Bakit parang ang judgmental ng dating ni maam? Tumawa siya.

"May iba kasing varsity student na kesyo kasali sa varsity team, eh hindi na nag-aaral. Pumapasok na lang para maglaro. Kaya kayo, pag may sinalihan kayong extra curricular activities dito sa school, huwag pababayaan ang grades, ha! Mag-aral pa rin." Pangangaral niya sa amin. Tumango kami sa kanya.

Kaya isa sa gawain ko noon ang hindi pag-aksyahan ng panahon ang panonood ng mga laro sa school. Pero may exception naman kung bestfriend na ang pag-uusapan. Nakakapanood lang ako kung may laro or practice si Larra.

Nagsimula ang paghanga ko kay Bryle noong grade 9 ako at grade 12 ito. Actually, sikat na talaga siya during his junior high school. Matangkad kasi at napapagkamalan ng college student. Iisang eskwelahan rin lang pinapasukan namin. Kaya lang sa kanila lang siya sikat, para sa akin ordinaryong estudyante lang siya noong hindi pa niya ako tinulungan.

Kakatapos lang nang operation ko noon at may neck supporter pa ako.

Nagmamadali akong naglalakad ng may pag-iingat pa rin dahil 10 minutes na lang ay ma-le-late na ako. Strict pa naman ang teacher namin at pag late ka ay hindi ka na makakapasok sa classroom. Hindi mo na mabubuksan iyon pagnauna siya sa iyong pumasok!

Isa kasi akong contributor writer ng school paper namin at may meeting kami kanina after lunch. Medyo natagalan kaya ayun, kailangang magmadali.

At dahil nasa 2nd floor ang room namin, kailangan ko pang dumaan sa hagdan. Great!

Habang papaakyat na ako may narinig akong tawanan sa taas. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat.

Nang makarating ako sa 2nd floor, huminga muna ako ng malalim at nagpatuloy sa malumanay na paglalakad habang nakayuko. Nasa dulo pa ang classroom namin at may madadaan pa akong tatlong classroom bago ako makarating doon. May mga nakatambay sa may railings na mga estudyante pero konti lang.

VARSITY SERIES 1: DRIBBLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon