CHAPTER 1

17 0 0
                                    

"NESSA, bilisan mo na dyan! Nasa labas na si daddy mo at hinihintay ka nang bata ka!" Rinig kong sigaw ng nanay ko sa natatarantang boses habang inaasikaso ang mga kapatid kong pasaway.

"Opo, my!" Dali dali akong lumabas ng kwarto at sinalubong si mommy ng halik habang nagpapaalam.

I am Vanessa Jane Borlaza. Panganay sa tatlong magkakapatid. Dalawa kaming babae at isang lalaki. Ang sumunod sa akin ay si Vron Ishmael at si Velocity Jane naman ang bunso.
Paglabas ko ay nakita ko si daddy na chine-check yung gulong ng sasakyan niya.

"Andyan ka na pala, halika na. Alis na tayo." Sabi ni daddy pagkakita sa akin.

"Ingat kayo, ha." Sabi ni mommy na hindi ko namalayang nasa labas na rin pala. Lumapit si daddy sa mommy ko sabay halik sa labi at sinabing "I love you, mahal."

Impit akong napatili. Kinikilig talaga ako pag ganitong sweet sila sa isa't isa. Masasabi ko talagang may forever sa kanilang dalawa. Kahit kasi almost 20 years na silang kasal, hindi nawawala iyong sweetness sa kanila. Kahit nga magkaaway sila, hindi halatang may hindi pagkakaintindihan dahil inaasikaso pa rin nila ang isa't isa.

Alam kong hindi lahat ng tao nagkakaroon ng happy ending ang love story. Pero gusto kong magkaroon ng pag-ibig na katulad ng sa kanila. At iyon ang ipinagdarasal ko.

Pumasok na kami ni daddy sa sasakyan at umalis na. Ihahatid ako ni daddy sa university na papasukan ko. First year college ako ngayon at ngayon ang simula ng klase. Excited akong maranasan ang college life at magkaroon ng bagong mga kakilala at bagong experience.

I'm a shy type of girl. Hindi naman ako sobrang mahiyain noong nagsimula ako sa highscool. Lumalala lang ang pagiging mahiyain ko ng magkaroon ako ng abnormal enlargement in my thyroid gland, in short Goiter. Kaya ayon, kailangang operahan. Naging successful naman ang operation.

I was so conscious when it comes to my neck because of the scar caused by the operation. Tinatakpan ko lang nga concealer upang hindi masyadong halata. Maputi naman ako kaya hindi ito mapapansin sa unang tingin, unless titigan. Pinahaba ko rin ang buhok ko na ngayon ay halos baywang na. Straight and long, ika nga. Dati ay hanggang balikat lang.

Nakaranas akong mabully dahil kailangan kong magsuot ng neck supporter para di hindi ito magalaw. Kailangan ko kasing pumasok dahil behind na ako sa klase ko. Ayon, tinawag akong "Gloria" daw. Alam niyo yon? Yung may kaso? But kidding aside, siguro hindi lang sila sanay makakita ng ganyan ang sitwasyon kaya ginagawang katatawanan.

I wore it for almost 1 month kaya matagal ding naging katatawanan ng mga bully. I'm just happy kasi hindi ako nilalayuan ng mga friends ang classmates ko, in fact, pinagtatanggol pa ako.

Actually, kinakabahan ako sa bagong environment na papasukin ko pero ginusto ko ito at gusto kong pumasok sa university na iyon.

Dumating kami sa labas ng university 30 minutes before my class starts. Nakita kong nakatambay na sa waiting shed ang dalawa sa tatlo kong matalik na kaibigan na sina Felicity at Bernadith. Ang hindi ko nakita ay si Larra. Baka papunta pa lang yun. Parehong BSBM ang kinuha naming apat.

Pareho rin ang schedule na kinuha namin except Larra. May isang subject itong naiba sa kanila. Boring daw ang NSTP kaya ROTC ang kinuha. Pero every weekend lang naman ang klase no'n. Kaya weekdays ay magkakasama kami. Alam ko naman kung bakit niya kinuha iyon. May paboring boring pang nalalaman.

Nagpaalam na ako sa daddy ko at humalik sa pisngi. Lumabas na ako ng sasakyan. Lumapit ako sa kanila at bumeso.

"Hintayin na lang natin si Larra, para sabay na tayong papasok sa classroom." Ani Felicity.

Sabay kaming tumango ni Bernadith. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang aming precious Larra. We rolled our eyes on her kasi 15 minutes na lng ma-le-late na talaga kami.

VARSITY SERIES 1: DRIBBLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon