Chapter 23

11 0 0
                                    

"Iho bili na kayo bagay sa inyo ito "
pang aalok niya samin ng paninda niya

"Manong magkano po dito sa teddy bear?" Tanong ni lovelyn sa kanya

"700 ang pares niyan iha , maganda iyan pwede kang mag record diyan may pindutan iyan sa bandang dibdib " paliwanan nung mama

"Wow ! ou nga ang galing naman po nito manong " masayang sabi niya kaya hinayaan ko nalang siya

"Bilhin na natin yan pares naman yan e " sabi ko kaya mas lalo pa siyang natuwa "bibilhin na po namin ito manong ,ito po bayad " sabi ko sabay abot ng bayad " wag niyo na po akong suklian manong pang meryenda niyo nalang po yan " sabi ko pa at ngumiti naman siya sa amin

"Salamat iho salamat iha pag palain sana kayo ng maykapal unang beses ko kayong makita dito ang babata niyo pa ngayon ang lalaki na ninyo , o siya aalis na ako ng makarami ako ng benta " paalam niya at umalis na

" buti pa si manong na pansin niya agad na tayo ang bumili sa kanya dati pero tayo wala man lang ka idea idea " pag mamaktol niya kaya ginulo ko ulit yung buhok niya

"Ok lang yun ! hayaan muna " sagot ko  at bumalik na kami sa park napatingin ako sa kanya ng bigla siyamg huminto sa pag lalakad

"May problema ba?" Tanong ko at tinitigan niya ako

"Salamat dito sa ice cream at teddy bear ha , aalis na ako baka hinahanap na ako ng parents ko " sabi niya at nalungkot naman ako " biro lang ikaw naman " sabi niya sabay pisil sa ilong ko pero tinitigan ko lang siya kaya napangiti siya " naalala ko lang kasi yung paalam ko dati sayo i did'nt expect na hindi na pala tayo magkikita ulit nun " malungkot na kwento niya kaya nginitian ko siya

" ang mahalaga naman ngayon ay nagkita na tayo ulit diba ? and we have a lot of time para makabawi sa isa't isa at sinisimulan na natin yun ngayon " sabi ko kaya tumangu nalang siya at ngumiti

"Picture tayo ?" tanong niya kaya natawa ako sa kanya

"Ok ! babalikan natin yung araw na unang araw ng pagkakilala natin sa isat isa at huling araw na nakasama kita hahaha" sabi ko na natatawa pa

"Wag na nga lang pinagtatawanan mo naman ako e " pag mamaktol niya

"Ang cute mo talaga pag masungit ka " pang aasar ko sa kanya kaya napanguso siya

" kanina maganda pag tulog ngayon cute pag masungit " pangit ba talaga ako pag matino ako??" Naiinis niyang sabi kaya napa pigil ako ng tawa dahil namumula na ang mukha niya

"Ito naman di na mabiro , picture na nga tayo " sabi ko sabay akbay sa kanya kaya kinuhanan niya kami ng litrato at cellphone niya ang gamit

"feeling karin e nuh " biglang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko

"Why?" Takang tanong ko

"Akala mo kasi artista ka maka pa cute ka sa camera wagas din e " sabi niya pa kaya nangunot ang noo ko

"Ano naman ang gusto mo pa picture ako na parang ewan? "sabi ko pero imbes na maasar ako ay namangha ako sa mukha niyang namumula na sa kakapigil ng tawa niya kaya ginulo ko nalang ulit yung buhok niya

" ano ba! alam mo ikaw simula pa noon yang pang gugulo mu sa buhok ko , pesti ka talaga " naaasar niyang sabi at inayos na ang buhok niya

Matagal din kaming tumahimik habang naka upo sa bench ng bigla siyang nag tanong

"How do we explain this to our friends? " tanong niya

Love Your EnemyWhere stories live. Discover now