Madilim ang paligid. Hinimas ko ang aking mga braso upang kahit papano ay mawala ang kilabot na nagpapatayo ng mga balahibo ko. Malamig ang simoy ng hangin, waring katatapos lamang ng kapaskuhan bago ko natagpuan ang sarili ko, nag-iisa at luhaan.
"Mama...Papa..." Bulong ko, hindi. Hindi ako maaaring sumigaw, hindi maaaring gumawa ng ingay... kasi mahahanap niya ako. At kapag nangyari iyon, ako ang magiging taya, habang-buhay.
Lumingon ako sa lugar na inuupuan ko kanina, nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sakin. Kinilabutan ako sa ideyang hindi lamang siya nag-iisa... Nararamdaman kong nahanap niya na ako bagaman di siya nagpapakita. Gusto lamang niya ako paglaruan.
"Mama..." Umiyak na ako. Sa mga ganitong panahon na umiiyak ako, lagi akong papatahanin ni Mama. Pagkatapos ay papakainin niya kami ng kapatid kong si Ate Kiara. Mas matanda siya sa akin ng siyam na taon at siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Nangungulila na ako sa kanila kahit ilang minuto ko pa lamang silang hindi nakikita...
Habang umiiyak ay hindi ko namalayan ang kahoy na nasa daan, natapakan ko ito at gumawa ito ng ingay. Bagaman hindi malakas, alam kong narinig niya ito. Katapusan ko na ba? Napalingon ako sa mga nakapalibot na puno, matatayog ang mga ito at nakita ko rin ang mga damong ligaw na matataas na. Dahil sa katahimikan sa paligid, mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko. Nagtago ako sa may puno ng maramdaman ang mga kamay na humawak sa bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti akong bulungan ng taong ito, "Lara, makinig ka sa akin." Napalingon ako kay Ate Kiara na naluluha na ang mga mata. "Wag na wag kang gagawa ng kahit na anong ingay or else..." Suminghap siya. "Or else makikita niya tayo. Tagu-taguan muna ha? Wag kang magpapahuli kasi matataya ka. Kapag nakita niya tayo, takbo. Isipin mong hinahabol tayo ng maraming aso kasi Lara, baka... baka patayin niya tayo. Tandaan mo ito, mahal na mahal ka ni Ate. Pati nila Mama at Papa." Nabasag ang kanyang boses at napapikit siya. Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng mga kamay niya sa bibig ko. "Run." Bulong niya habang umiiyak. Hindi ko ito maintindihan hanggang sa nakita ko ang kumikislap na kutsilyong may tulo pa ng dugo. Tinulak ako ng ate ko habang sinasabihang tumakbo, ayaw ko man siyang iwan ay tila wala na akong kontrol sa sarili ko. Takbo lamang ako ng takbo habang naririnig ko ang mga sigawan nila.
Mama...Papa...
BINABASA MO ANG
Asylum 544
Mystère / Thriller"I believe her memories are her worst enemies." Bata pa lamang si Lara ay tinagurian na siyang 'weirdo'. Weirdo para sa mga batang hindi hilig ang horror movies, witchcraft at pakikipag-usap sa mga sumakabilang-buhay. Sa madaling salita, isa siyang...