Chapter 4

176 2 0
                                    

(Elie’s POV)

6AM na nung magising ako ng alarm…Monday nap ala ngayon…

This is the DAY…papasok na kami sa School….Kagabi pa tawag nang tawag sakin sina Mama…excited daw silang makitang pumasok ako sa school….ang turing nila sakin parang bata na first time mag-aaral…HAY!!...mukhang mas excited pa sila kaysa sakin…

5 mins. pa akong nagpagulong gulong bago ako naligo…hindi ako sanay gumising ng ganito kaaga…8 pa naman ang klase ko…kaya lang baka daw abutan kami ng traffic kaya dapat maaga akong gumisig....maligo na ako at nagbihis...

Pagkababa ko nakita kong nagaalmusal na ang kuya ko…sa Harrowitz din siya nagaaral…graduating na siya sa course na Commerce…

Sky: Gudmorning!

Elie: himala yata…hindi siya nang-aasar…Gudmorning din! ^___________^....nagsimula na akong kumain….hotdog, egg, bread and bacon ang almusal….grabe heavy breakfast ako nito…

Sky: di ba ngayon ang pasok mo sa Harrowitz Univ??

Elie: Yup…why???...

Sky: Wala naman…advise lang…huwag mong sasabihin sa mga tao na kapatid mo ako huh…baka sabihin nun may kapatid akong pangit….

Elie: at yun ang hindi nalilimutang pang asar….As if naman magiging proud akong sabihin na may kapatid akong unggoy….

Sky: *sumalubong na ang kilay >:-l

Elie:⌐⌐.

Sky: Bilisan mo na diyan at baka ma late ka pa…nakakahiya…

Elie: Eto na patapos na….huwag mo na akong antayin …sabay-sabay na lang kami nina Keyti…

Sky: Wala naman akong sinabing isasabay kita huh…

Elie: Ewan ko sayo….(iniwan ko na siya at umakyat na sa kwarto ko…nag ayos-ayos ng konti…kuha ng gamit saka bumaba….tinawagan ko sina Mimz…dun  muna kami kina Keyti magkikita kita para sabay-sabay na kaming pumuntang school…hindi kasi naming alam papunta dun)

Sakto lang 7:30AM nasa kina Keyti na ako…andun na din sina Mimz and Edel…wow huh…may kanya-kanya kaming dalang sasakyan….pasikat much kami…^_^…well paki ba nila…

Bandang 7:45 AM kami nakarating sa school…WOW…in fairness huh…maganda talaga siya…hindi ka talaga basta-basta makakapasok sa ganoong klaseng school kung hindi mataas ang antas ng pamumuhay mo….Pagkapasok pa lang sa gate makikita mo na ang naglalakihang mga puno…parang hindi mo aakalain na may ganoong lugar sa Pilipinas…magaganda ang mga buildings…puro airconditioned….halos karamihan ng mga facility nila puro mga latest technology…Nakaabot na kami sa parking area…halos lahat ng sasakyan puro mamahalin…pero samin ang nagstand out kasi ang mga kotse naming ay hindi pa narerelease sa market… ^___^

Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang Admission Office….lahat na lang nakatingin samin…parang kami ang girl version ng F4….

Girl1: Sino ba sila?

Girl2: baka mga bagong lipat..

Boy1: Ang alam ko ang isa sa kanila kapatid ni Sky..

Girl1: Sky??...As in Sky Walden Nuñez???

Boy1: Oo. Un ang balita ko…

Elie: Psssshhh…hindi ba nila pwedeng hinaan ang pagbubulong nila???...ung tipong hindi naman natin naririnig?

Mimz: Hayaan mo na..baka ngayon lang sila nakakita ng mga naggagandahang nilalang

Jem: Ano ba kayo dyan…maglakad na nga lang tayo at baka malate pa tayo…

Keyti: Smile lang kau diyan…baka sabihin nila snob tayo…. ^_________^

Sa wakas nakarating na kami sa Admissions Office….binigay na samin ang schedule naming…pare-pareho lang naman kami…in short magkaklase kami…iisa lang kasi ang kinuha naming course Business Management…para na rin makatulong kami sa business namin in the future….

After dun pumunta na kami sa room namin….Molave Building Rm. 404…4th floor pa daw un??...

After ilang years…nakaabot na kami sa room…grabe..nakakpagod umakyat huh?....hindi man lang nila nilagyan ng elevator or escalator man lang ang school na to… ⌐⌐.

Pumunta na kami sa may pinto….nakita naman kami ng Professor….

Miss: Are you the new students?

E,K,J,M: Yes Miss…

Miss: Come in…Please introduce yourselves

Halos nakatitig lang samin ang mga classmates namin…pero ung isa sa likod parang ewan…may itsura naman siya kaya lang palaging nakasalubong ang kilay….napansin niyang tiningnan ko siya…lalong nagsalubong ang kilay niya…inirapan ko lang…paki ko ba sa kanya….

Keyti: Hi. Im Katrina Ashley Santillan, 18 years old…nice meeting you all..

Jem: Im Precious Jem Tuazon, also 18 years old.. Hope to be your friend

Mimz: Hello…Im Mimosa Francesca Almonte…you can just call me Mimz for short..

Elie: Im Zaylee Elisse Nuñez..my friends call me Elie…

Miss: Ok….So…hhhmmm…Ms. Santillan…you can sit beside Mr. Lopez (sabay turo kay Daniel)

Hhhhmmm…I smell something fishy…talagang planado na talaga kahit sa seating arrangement??

Keyti: ^__________^…ok po miss..

Miss: Ms. Almonte…you can sit beside Mr. Lee…(tinuro ung parang Koreano naming classmate)…Miss Tuazon you can sit beside Mr. Torres……Miss Nuñez please be seated beside Mr. Escalante (sabay turo dun sa lalaking nagsasalubong ang kilay…kapag minamalas ka nga naman oh…)

She's the GANGSTER ???!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon