† The Last Angel †
Chapter One:
Oriana______________________________
[Angelica Hope Lyte]
«———»
"Magandang umaga, Haring Araw!" masiglang sabi ko paghawi ko ng kurtina sa bintana ng aking kwarto. Saglit akong nag-inat inat, matapos ay bumaba na ako at dumiretso ng kusina.
Pagdating doon, naabutan ko ang abala sa pagluluto ng agahan na si Eri. Nasa dining area naman ang nagkakapeng si Eliz, ang halatang inaantok pa na si Avi at ang nangungulit dito na si Ana. Karugtong na rin ng kusina ang dining area namin.
"Good morning, guys!" bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Eliz, na katapat nina Avi at Ana.
"Good morning din sayo, Hope!" masiglang bati sakin ni Ana na nakangiti pa ng malapad. Sunod ay binati rin ako nina Eri.
"Masyado ka naman atang masaya, Ana?" puna ko kay Ana na tila di mapakali sa kinauupuan niya.
"Nako, Hope, di ka pa nasanay dyan. Lagi namang masaya yan," ani Eliz.
"Aba syempre! Dahil dapat lagi tayong masaya! Positive dapat lagi!" malapad ang ngiti na ani Ana. "Isa pa, nakakapangit kaya kapag laging nakasimangot. Tignan niyo tong si Avi, lagi kasing nakasimangot kaya ang panget."
"Tigilan mo ako Ana. Umagang-umaga, kung ano-ano pinagsasabi mo. Gutom ka lang eh." naka-ismid na saad ni Avi at naghikab.
"At least maganda pa rin." tila batang binelatan ito ni Ana, inirapan naman siya ni Avi. Napa-iling si Eliz habang ako naman ay napa-hagikgik na lang.
"Inaantok pa ako," maya maya ay nakangusong sabi ni Avi.
"Pangpa-gising, Avi. Favorite mo," nakangiting sabi ni Eri at inilapag sa harapan ni Avi ang strawberry pancakes. Inihain na rin nito ang mga nilutong agahan sa lamesa.
"Thank you, ate!" nakangiting saad ni Avi kay Eri. Ngumiti naman ito pabalik.
"Gigisingin ko na yung iba para sabay sabay na tayong kumain." saad ko at tumayo upang puntahan ang iba sa kanilang kwarto. Tumango lamang sila sakin.
Una kong pinuntahan ang kwarto nina Ilma at Eliz. Bago pa man ako makakatok, bigla na lamang nagbukas ang pintuan nito. Sumalubong sa akin ang nag-aayos pa ng kanyang buhok na si Ilma.
"Oh, good morning, Hope," nakangiting bati niya.
"Good morning," bati ko pabalik. "Pwede paki-gising na si Mat para sakin? Para sabay sabay na tayong mag-agahan, nakapag-luto na si Eri."
"Sure." sagot niya at pumunta na sa kwarto nina Ana at Mat upang gisingin ang huli. Ako naman ay dumiretso na sa kwarto nina Addie at Santhie.
Kumatok muna ako ng ilang beses bago ko binuksan ang pinto. Pagkapasok ko, nakatingin sakin si Addie na mukhang naabala ko mula sa pagbabasa ng libro, habang si Santhie naman ay mahimbing pa ring natutulog.
"Nakapagluto na ng agahan si Eri, sabay sabay na tayong kumain." Sabi ko.
Tumango si Addie pagkatapos ay marahang ginising si Santhie. Mabilis itong tumalima. Saglit itong nanatili sa pagkaka-upo sa kanyang higaan, bago nagpasya na tuluyan ng bumangon at pumunta sa banyo. Marahil para maghilamos.
Mukhang maayos ang tulog ng isang iyon ngayon. Madalas kasi napaka-hirap gisingin noon kapag kinulang sa tulog, o kung minsan naman ay napaka-bugnutin.
Hinintay ko na makapag-ayos muna ang dalawa at nang matapos ay bumaba na rin kami para kumain.
-------------------------
BINABASA MO ANG
The Last Angel
FantasyAngelica Hope Lyte is the last existing angel. She must remain alive until new angels are born. If something bad happen to her, dark creatures will rise and will ruin this world. But what she doesn't know was that the enemies had been close to her...