PROLOUGE

35 5 3
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.


ENJOY READING!<3


   *****************

"Lucas and Stella, have you come here to enter into Marriage without coercion, freely and wholeheartedly?" said the Priest. "Yes I am" sagot ni Lucas.


"Y-yes I am" sagot ko naman.


"Are you prepared, as to follow the path of Marriage, to love and honor each other for as long as you both live?" 


"Yes I am" sagot muli ni Lucas. "Yes I am" sagot ko muli.


Sa mga oras na ito ay bigla akong napaisip kung handa na ba talaga ako sa mga gnitong bagay. Dahil hindi biro ang magpakasal at ang buhay may asawa. 


Hindi ko nararamdaman ang saya katulad noon kapag kasama ko si Lucas. Mahal ko naman siya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan.


"Since it is your intention to enter into convenant of Holy Matrimony, join your right hands and declare your consent before God and His church"


Pagkatapos ay hinawakan ni Lucas ang aking mga kamay.


"I, Lucas Capili, take you, Stella Cruz, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. Matagal na tayong magkasama, at kung ano ang naramdaman ko noong una kitang makita, ganon pa rin ang nararamdaman ko sayo hanggang ngayon. Salamat sa Diyos at dumating ang araw na ito. Mahal na mahal kita Stella."


Noong binanggit ni Lucas ang mga salitang yon ay nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. Parang may hindi tama. Gusto kong umurong dahil kung itutuloy ko pa ito ay hindi namn ako magiging totoo, dahil ang totoo ay unti unti nang nawawala ang pagmamahal ko kay Lucas. Hindi ko alam kung anong dahilan. He's falling in love with me more but I am slowly falling out of love with Him.


Nagkatinginan ang mga tao dahil ilang minuto akong natulala. "Stella?" tawag sa akin ni Lucas. 


"I-I Stella C-Cruz, take you, Lucas Capili, to be m-my h-husband. I promise to be faithful to you in good times and in bad, in sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life." Gusto kong umiyak pagka sambit ko sa mga salitang iyon, dahil hindi iyon nanggaling sa aking puso. Gusto kong tumakbo papalayo pero hindi ko magawa.


"Mr.Lucas Capili, do you take Stella Cruz to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good time ad in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?" 


"Yes i do!" masayang sagot ni Lucas. Sana ganoon din ang nararamdaman ko, sana masaya din ako.

It was FateWhere stories live. Discover now