"Patawarin mo ako, Stella mahal na mahal kita. Please give me one more chance para maitama ko lahat nang pagkakamali ko." sambit ni Clarck sa akin habang nakaluhod.
"Isa pang pagkakataon Stella, please. Gagawin ko ang lahat." Tangina? "Ilang beses na kitang binigyan nang pagkakataon pero paulit ulit mo lang ginagawa Clarck. Ayoko na." sambit ko sa kanya pagkatapos kong itinaboy ang kanyang kamay. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niya akong hinalikan.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya itinulak ko siya papalayo. "Tangina!! Clarck? ano yon?"
"I-Im so sorry, Stella. Hindi ko sinasadya." Putangina?? "Umalis ka na lang Clarck! baka kung ano pa ang masabi ko sayo. Please lang, iwanan mo na ako, pabayaan mo na ako. Ayoko na!"
"Ayos lang sa akin kahit anong masasamang mga salita ang sabihin mo, deserve ko yon Stella. Please, can you give me one more chance?" sambit niya sa akin. Hindi ko na talaga kayang bigyan pa siya nang chance, dahil ayoko na.
Mahal ko si Clarck, pero ayoko nang may masaktan pa sa aming dalawa. "Tama na Clarck, umalis ka na dahil wala na tayong dapat pag-usapan pa. Matagal na tayong tapos Clarck, hindi mo ba napapansin? parang pinipilit nalang natin na buhayin itong relationship natin, kahit pareho naman nating alam na wala na 'tong patutunguhan."
"Stella, meron pa. Pwede naman tayong mag-umpisa ulit diba? Umpisahan ulit natin sa una, kung paano tayo noon, kung paano yung relasyon natin noon. Mahal na mahal kita, Stella." sambit niya sa akin. Nakikita ko sa mga mata ni Clarck na gusto na niyang umiyak, pero pinipigilan niya lang ito. Hindi ko na kakayanin kapag nakita ko na umiyak si Clarck, kaya dali-dali akong tumakbo sa loob nang bahay at isinarado ko ang pintuan.
Narinig ko ang sigaw ni Clarck sa pangalan ko. Kinakatok niya ang pintuan at nagmamaka-awang pumasok. Patawarin mo ako Clarck, kailangan kong gawin ito, para wala nang masaktan sa ating dalawa. "Stella! sobrang mahal kita, please?" Dinig ko sa boses niya ang pag-iyak niya. Hindi ko kayang makitang umiyak si Clarck, dahil ayaw ko na nasasaktan siya. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ang mga mahal ko.
Maya-maya ay nakatanggap ako nang phone call mula kay Clarck, sinagot ko ito.
[Stella, don't end this call. There is something that I wanted to tell you.]
Hindi ko pinatay ang call, at hinayaan ko siyang magsalita.
[I want to say sorry, for everything that I have done. Alam ko na sobra kitang nasaktan sa mga ginawa ko, and of course I want to say Thank You, for everything that you have done. Sa lahat nang mga ginawa mo, para sa akin, para sa relationship natin.]
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, gusto kong sumigaw at umiyak.
[Stella, always remember that, I love You, always. It was a nice journey with you, and if one day we will meet again, remember that I once loved you. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, I'm sorry if I gave you trauma or what. Stella, I love You.]
Pagkatapos niyang sinabi iyon ay pinatay na niya ang call. Gusto ko siyang tawagan ulit dahil may mga gusto din akong sabihin sa kanya. Sinubukan ko na tawagan ulit siya pero unavailable na yung number niya.
Gusto kong umiyak nang umiyak dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto ko siyang puntahan, gusto ko siyang yakapin kahit sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapagaan ang nararamdaman ko. Hindi naman siguro magpapakamatay si Clarck.
YOU ARE READING
It was Fate
RomanceMaybe there isn't such a thing as fate. Maybe it's just the opportunities we're given, and what we do with them. I'm beginning to think that maybe great, epic romances don't just happen. We have to make them ourselves. Ano nga ba ang ginagawa ng Ta...