"Umalis ka na, please lang!! Iwanan mo na ako!" malakas na sigaw ko kay Clarck.
"Please, Stella. Bigyan mo pa ako nang second chance, magbabago na ako. Please Stella, mahal na mahal kita." sambit sa akin ni Clarck. "Huwag mo akong hahawakan! kadiri ka! nandidiri ako sayo, layuan mo ako Clarck! Tangina!" Pilit niya paring pinipigilan ang kamay ko sa pagbukas nang pintuan nang sasakyan.
"Tangina Clarck!! Tangina! Umalis ka na, please lang! Please lang, pakawalan mo na ako. Ayoko na." Pagkatapos ay binuksan ko na ang pintuan tsaka na ako sumakay. Hinayaan ko siya sa labas nang sasakyan. "Pag-usapan natin please, Stella. Hindi ko kayang mawala ka. Mag-usap tayo, buksan mo ang pinto." Umalis na ako at pinaandar ang sasakyan. Sinubukan niyang habulin ang sasakyan, pero binilisan ko pa ang takbo kaya hindi na rin siya nakahabol.
Ilang second chance na ang binigay kong chance sa kaniya. Pero wala talagang pagbabago. Sobrang mahal ko siya, pero sobra lang ako nasasaktan sa pagmamahal ko sa kaniya.
5 years ko nang Boyfriend si Clarck. Simula nang mag 3 years kami doon na nag-umpisa ang panloloko niya sa akin. Ilang beses ko siyang nahuling may iba, at ilang beses ko din siyang pinatawad, dahil alam ko na magbabago pa siya. Mali pala ako, sobrang tanga ko.
Pagkarating ko sa bahay ay dali dali akong pumunta sa kwarto. Nasa sala si Mama at nakita niya akong umiiyak habang papunta ako sa kwarto. "Stella, what happened?" tanong sa akin ni Mama pagkakita niya sa akin.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto at ni lock ang pintuan. Sobrang sakit nang nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong parang punyal ang tumatarak sa puso ko. Sobrang sakit. Napaupo nalang ako sa sahig at humagulgol nang iyak. Mahal na mahal kita Clarck, pero bakit kailangan mong gawin sa akin ito.
Nakita ko sa cellphone ko na tumatawag si Clarck, at sobrang dami na niyang missed calls. Pinatay ko ang cellphone ko dahil ayoko muna siyang makausap, at ayaw ko na siyang makausap. Ayaw kong makita siyang nagmamakaawa sa harapan ko at nagsasalita na patawarin siya, dahil tangina!, papatawarin ko siya. Dahil ganon akong magmahal. Ayos nang ako ang nasasaktan, huwag lang sila.
Patuloy ang pagbuhos nang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang sarili ko para lang matigil sa pag-iyak. Sana hindi ko nalang siya nahuli na kasama yung babae na yon. Sana pala hindi ko na siya pinuntahan doon, para hindi ko nalang sila nahuli.
Sobrang mahal ko si Clarck, higit pa sa sobra. Pero sa paulit-ulit na ginagawa niya, sarili ko ang nasasaktan ko dahil sa sobrang pagmamahal ko. Sobrang pagod na ako.
"Stella, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Mama. "Ma, ayos lang po ako." sagot ko. "Nandito si Clarck, gusto ka daw niyang makausap." Tangina. Bakit pa siya pumunta dito? Wala na kaming dapat pag-usapan pa. "Stella anak, buksan mo itong pintuan." Hindi na ako sumagot dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang iyak ko.
Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki. Pare-parehong manloloko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Kung sabagay, deserve ko naman ito. Nagtiwala ako kahit alam ko na paulit-ulit nalang niya akong niloloko.
YOU ARE READING
It was Fate
RomanceMaybe there isn't such a thing as fate. Maybe it's just the opportunities we're given, and what we do with them. I'm beginning to think that maybe great, epic romances don't just happen. We have to make them ourselves. Ano nga ba ang ginagawa ng Ta...