/Chapter Two/
[EULA]
Siniko ko si Ayson. Nasa harap pa rin namin 'yung lalaki. "Kilala mo 'to?"
"Y-yeah," tiningnan niya ako at saka pilit na ngumiti. "May pag-uusapan lang kami ni Lorenzo, mauna ka na."
"Okay," tugon ko. Napansin kong namumutla siya. "Ayos ka lang ba?"
"Oo, mag-ingat ka. I-text mo agad ako kapag nakauwi ka na." Ayson patted my head. For some reason, hindi ako naniniwala sa sinabi niya.
Umalis na si Lorenzo, at sumunod naman si Ayson sa likod niya. Mukhang mapanganib ang higante na 'to, hindi ko gusto 'yung matalim niyang tingin kay Ayson kanina.
At bilang praning na best friend-slash-date, palihim ko silang sinundan. Nagtago ako sa mga puno, nakihalo sa grupo ng mga estudyanteng dumadaan, at nag-camouflage sa pader para hindi nila ako makita.
Sinundan ko ang dalawa hanggang sa mapadpad ako isang makipot na eskinita sa likod ng Southmoor University. Tumigil sila sa paglalakad kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking basurahan at nakinig sa usapan nila.
Shit! May gagawin bang masama si Lorenzo kaya rito niya dinala si Ayson?!
"Why are you dating her?" tanong ni Lorenzo.
Natigilan ako, ako ba ang tinutukoy nito?
"Why not? Who I date is none of your business," bored na sabi ni Ayson, pero napansin kong hindi siya makatingin nang deretso sa mukha ng nakatatangkad.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Lorenzo kay Ayson kaya bahagyang napaatras ang best friend ko. "Hindi mo na ba ako mahal?"
Huh?
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko.
"Mahal kita!" Ayson's voice cracked as if he was about to cry. "Pero alam mong hindi tayo puwede."
"Bakit hindi?"
"I can't—mali 'to, Lorenzo. Pareho tayong lalaki," mahinang sabi ni Ayson.
"Your only problem is that we're both men?" Lorenzo scoffed. Parang hindi makapaniwala sa narinig niya. "I don't see any problem with that. Who cares about what others think if we're in love?"
"Walang problema para sa 'yo, pero sugal ito para sa 'kin. You're the only one who knows my secret—I... I might lose everything if anyone finds out, and that includes my family. I've already told you I'm not brave enough to be with you. Kaya please lang, kalimutan mo na ako." Paalis na si Ayson, pero itinulak siya ni Lorenzo sa pader. "Ano ba, Lore—"
Holy shit.
Napahawak ako sa bibig nang halikan ni Lorenzo si Ayson. Mahigit isang minuto ring magkadikit ang mga labi nila bago kumalas para maghabol ng hininga.
BINABASA MO ANG
Eula's Selection
General FictionHeartbreak can ruin someone's ability to love. Eula Anise Nacario experienced it firsthand. Thus, she promised herself she would never love the same way again. She decided to try a new approach to dating and ended up dating six men. Each of them ha...