[DISCLAIMER] This is a fictional work. The author uses fictitious names, characters, settings, and incidents. Any resemblance to actual events, locations, or living or deceased people is entirely coincidental.
***
/Prologue/
[EULA]
Alas sais na ng gabi pagsulyap ko sa aking relo. Katatapos lang ng huling klase ko ngayong araw which is Development Communication, isa sa mga major subjects ko ngayong semester.
Inilabas ko ang phone ko sa bulsa para i-text si Claud, my boyfriend for four years now. Sinabihan ko siya na hihintayin ko na lang siya sa student lounge para hindi na siya mahirapan. Malayo kasi dito ang building na pinanggalingan ko.
Sabay kaming nag-enroll sa Southmoor University kaya halos magkapareho ang schedule naming dalawa kahit magkaiba ng kinuhang kurso. Biology student siya at communication student naman ako, pangalawang taon na namin in this hellhole.
Napaliligiran ako ng mga pre-med students na nakasuot ng puting uniporme pagdating ko sa student lounge. I am wearing a chunky cardigan and a pair of denim pants, so people could easily tell that I am from a different college.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako.
"Baby," ang baritonong boses niya'y tila musika sa tainga ko.
It's Claud, napansin ko na medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Halatang-halata ito dahil sa kaputian ng balat niya-tsk, kawawa naman ang boyfriend ko.
"Hey," I stood on tiptoes and kissed his cheek.
Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Let's go outside?"
***
"How's your day, baby?" tanong ni Claud habang naglalakad kami palabas ng building.
"Ayos lang, wala kaming prof sa dalawang magkasunod na subjects kaya nakatulog ako saglit. Ikaw ba?" ibinalik ko sa kaniya ang tanong.
"Good," maikli niyang tugon. Nakatingin siya sa malayo, parang ang lalim ng iniisip.
"What's wrong, Claud?" bigla na lang akong nakaramdam ng kaba for some reason.
Hindi rin nakatulong 'yung nakabibinging katahimikan dito sa garden ng Southmoor dahil mas malinaw kong naririnig ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Napatigil sa paglalakad si Claud.
"How do I say this?" hinilot niya ang sentido niya at humarap sa 'kin.
"Ano ba kasi 'yon?" naaasar na ako sa puntong ito dahil parang hirap na hirap siyang sabihin kung ano man 'yun. Hindi ko rin mabasa ang emosyon sa mukha niya.
"Eula," napabuntong-hininga si Claud. "Let's break up."
My face turned white. "B-bakit?"
"I can't do this, baby. Hindi ko kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang relasyon nating dalawa."
What the-
"Bullshit!" I roared.
"You managed to graduate as salutatorian of our batch without breaking up with me." I laughed bitterly. "Do you really think I will believe that reason? Sa tingin mo ba kahapon lang ako ipinanganak?"
I refused to believe it. He's not really breaking up with me, is he?
"High school was different," mahinahong sabi niya. "I think it's better for the both of us if we go our separate ways, para sa atin din 'to."
BINABASA MO ANG
Eula's Selection
Fiksi UmumHeartbreak can ruin someone's ability to love. Eula Anise Nacario experienced it firsthand. Thus, she promised herself she would never love the same way again. She decided to try a new approach to dating and ended up dating six men. Each of them ha...