/Chapter One/
[EULA]
Eula Anise Nacario
Hello, guys! I am currently looking for people to date within the span of twelve months. Who's up for it?
Leave a comment below if you are interested in trying something different! #EulasSelection #FindingABoyfriend #CollectAndSelect
P.S. This is not a joke, lol.
"And post," I said before I hit the post button.
Hindi ako kasing sikat ni Nori, pero mayroon naman akong limang libong followers kaya marami agad ang nag-comment at nagpakita ng interes kahit ilang minuto pa lang naka-post ang status ko.
My followers just started growing after I posted a random selfie last year, and it suddenly went viral. Ordinaryong selfie lang naman iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang dumami ang likes nito.
Anyway, sumandal ako sa headboard habang hawak ang phone ko, nagbabasa ng mga comments sa ilalim ng post ko. Karamihan sa mga nag-comment ay kakilala ko lang din. Itinatanong nila ako kung na-hack ba ako o kaya naman kung ano ang nakain ko kaya hindi ko napigilang matawa. Nag-haha react na lang ako sa mga comments nila dahil hindi ko sila kayang replyan isa-isa.
Nasa dalawampu na ang nagpakita ng interest makipag-date sa akin. Geez, some of these are familiar names.
May isang bugok na nag-comment pa rin kahit taken na siya. Ang kapal ng mukha! Agad ko naman siyang blinock. Sana makita ng girlfriend mo ang kalokohan mo sa Facebook, lintik ka!
May nag-comment din na kaklase ko noong high school, naiwan yata sa 2014 dahil jejemon pa rin hanggang ngayon.
I have to give some of them a hard pass... mentally. May karapatan pa rin naman akong maging choosy!
"Well, well, well," inilagay ko sa notes ang mga nag-comment na pasok sa taste ko.
I am stalking their accounts one by one, some of them are living abroad—hard pass din—a long-distance relationship is not for me. Physical touch ang love language ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makatanggap ako ng private message galing sa hindi ko inaasahang tao—no way? Totoo ba 'to?
It's Professor Theo Sebastian, 'yung poging professor ko noong second year sa Art Appreciation. He wants to date me!
"What the heck? Is this even allowed?" I scoffed, pinag-isipan ko muna ang isasagot ko bago mag-reply.
Wala pang ilang minuto ay nakapag-isip na ako.
"You know what? Mas masaya kung may thrill, not to mention he's hot!" nag-reply ako sa kaniya ng 'noted, sir.' dahil ayun ang nakasanayan ko. Nag-haha react siya sa chat ko. "Shit!" ngayon pa lang, kinikilig na ako.
Theo Sebastian
Hahaha cute, just drop the 'sir'. Looking forward to our date, Eula. ;)
Shocks, may pa-wink emoji pa si sir!
Hindi muna ako nag-reply sa kaniya dahil hindi pa ako nakakapag-desisyon sa pagkasunud-sunod ng mga ide-date ko. Hindi ko naman sila pagsasabay-sabayin, ang plano ko ay bigyan sila ng tig-dalawang buwan para mas makilala ko sila ng husto. Sapat na siguro 'yon para makapili ako ng jojowain.
As of now, may tatlong lalaki na sa listahan ko.
Nagbabasa ako ng comments nang may biglang lumitaw na message sa notification bar, mula ito sa isang unknown number.
BINABASA MO ANG
Eula's Selection
Fiksi UmumHeartbreak can ruin someone's ability to love. Eula Anise Nacario experienced it firsthand. Thus, she promised herself she would never love the same way again. She decided to try a new approach to dating and ended up dating six men. Each of them ha...