Chapter 7: Jelous.

40 1 0
                                    

Charles's POV.

Nakasanayan konang palaging maagang pumapasok, booring naman kasi sa bahay e. Madalas kame ni Liza ang nauuna palaging pumasok pero speaking of Liza? Gantong oras nandito nayun ah? Bakit wala pa kaya? Hmm... Si Liza? She's simply pero grabe makipag bangayan kay Miguel ang cute nya mainis pero minsan naiirita ako pag away sila ng away ang sakit sa tenga e. Haha

Ngayon nga pala daw praktis namin, kasi malapit diba yung sfortfest kinausap na ni Miguel kahapon yung iba namin classmates sasali daw kame sa basketball, marunong naman ako nun pero di ganun kagaling mas trip ko mag skate. Teka bakit ba ako nag kwekwento dito? Pfft. Insane

"Brad!" Teka, isa tong himala ang aga ni Miguel tae. Pero di siya naka complete uniform.

"Oh brad? Aga natin ah?" Bati ko napansin ko tinitignan nya suot ko

"Bakit naka complete uniform ka? Diba sabi ko sayo ngayon praktis natin? Nandun na sa court sila Dhenis tska sila Jm at Eran." Wala naman akong dalang extrang damit e.
"May dala kabang extrang T-shirt brad?" Umiling lang ako.

"Parang gago to e. Sabing ngayon ang praktis e, dun sa locker ko may extra pa akong gamit hiramin mo muna. Sige brad una nako baka mainip yung mga bakulaw nayun at kung saan pa mag punta." Tinapik nya ako sa braso bago siya umalis. Wala ako sa mood para dyan sa praktis nayan.

Naglakad nako papunta sa boys locker pero napatingin ako sa isang gawi si Liza bayun? Bakit ang dami nyang dalang gamit? Mapuntahan nga.

Nanakbo ako papunta sa direksyon kung nasan si Liza, maglalakad na sana siya pero napansin nya ako kaya huminto siya. "Uy haha bakit wala kapa sa room?" Kasi otw ako sa puso mo. Ano ano? Teka! Kalimutan nyong sinabe koyun -.-

"Ahh pupunta ko sa boys locker may praktis daw kasi kame e." Tumango tango naman siya.

"Teka bakit ang dami mong dalang gamit? Tulungan na kita." Binuhat koyung isang bag na dala nya pero pinigilan nya ako.

"Huy baba mona yan! Kaya kona. Sge na baka inaantay kana dun." Kaya? Eh ako nga medyo nabibigatan e. Siya pa kaya?

"Weh? Ang bigat kaya neto kayang kaya ko to. *Pinakita ko muscles ko* oh diba ang lake? Kaya ako nang bahala dito." Tumawa naman siya na ikina ngiti ko. Hinampas nya ako sa braso ko.

"Ang yabang! Hahaha. Osge na opo ikaw na magdala." Tumawa nanaman siya at saka ginulo ang buhok ko. Pambihira naman oh! Kalahating oras kong inayos to. :3

Nagsimula na kameng mag lakad papuntang room bakit ba kasi sa second floor room namin. :3

Miguel's POV.

Papunta nako sa court ng makalimutan kong magdala ng towel, ay tae! Nasa locker korin pala yun!

Naglakad ako papunta sa boys locker nakita kong si Charles ay papunta narin dun babatiin ko sana ule pero napansin kong tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa isang direksyon, bigla siyang nanakbo sa direksyon na tinitignan nya kaya napatingin ako dun. Teka si Liza yun ah? Bakit ang daming dalang gamit?

Naguusap sila? Pero bakit sila nag tatawanan? At bakit parang ang saya saya nila? Bakit pag kame magkasama ni Liza diko siya nakikitang ganyang kasaya oh kahit ngitian man lang nya ako?

Argh! Bakit ganto nararamdaman ko? Diba dapat wala akong pakielam kasi, wala lang naman sakin si Liza? Pero bakit ganto gusto kong sapakin si Charles! Tae naman!

"Hoy!" Nagulat ako ng tapikin ako sa balikat ni Dhenis. "Anung ginagawa mo dyan? Magsisimula na tayo dalian mo." Tumango lang ako. At sumunod na sa kanya sa paglalakad nya.
****
Court.

Medyo maraming estudyante ang narito ngayon bakit kaya? Siguro pinakansela na ang ibang mga klase para, makapag praktis nadin sila. Maya maya dumating na si Charles. Naalala ko nanaman yung kanina -.-

Nagwarm up muna kame, ilang saglit lang ay magsisimula na kame.

"Guys start na tayo." Nag bukod na kame pinagdalawang grupo ko ang team ko. Sinadya kong di igrupo sakin si Charles.

Nasimula na ang laro, pero pinupuntirya ko si Charles ayoko talaga siyang pahawakin ng bola mga mahihina kampi neto siya lang ang medyo angat. Na kay Dhenis ang bola sinenyasan ko siya ipasa sakin todo bantay sakin si Charles habang nasa game sinshoot ko ang bola at BOOM! Pasok nag tilian ang ilang mga babae nakikinuod, sama mona ang mga beki Haha! I'm awesome.

Naagaw ni Charles ang bola pero gaya ng pagbabantay nya sakin kanina mas matindi ang pagbantay ko sa kanya. Parang kame nalang dalawa ang naglalaro ngayon at mga palamuti nalang ang ilang teammates ko.

Ilang palitan nadin ang bola, ang nagaganap lamang kame ng dalawang puntos.

Liza's POV.

Nandito kame ni Jijie sa gilid nanunuod ng naglalaro magaling pala mag laro si Miguel pero halatang di nagpapatalo si Charles parang mga engot yung kakampi ni Charles lalo na si Eran mukang monggi na OA maka bantay at sumisigaw na ipasa kanya bola dahil siya ang malapit sa ring nung pinasa sa kanya ang bola tangina! Di nasalo, agad na nahabol ni Charles ang bola at siya ang nag shoot. Woaah! Shoot.

'Kyaaaah! Fafa Charles akin ka nalaaaang!'

'Akin siya bruhaaa ka!'

'Waaah! Miguel my loves shoot mo kyaah!'

'WAAAH! Go baby dhenis ang tanga mo talaga!'

Yan ang sigawan ng mga bruhang nakikinuod. Ang iingay "Bakla, bakit ganun ang game? Pansin mo ba parang may away si Miguel at Charles?" Kala ko ako lang nakapansin pati pala si Jijie. Kanina kopa nga napansin una palang si Miguel grabe siya maka titig kay Charles parang mangangain.

"Oo Jie. Anyare? Parang iba na ang dating ng game." Seryoso ang lahat sa panunuod ng game padami na ng padami ang mga estudyante.

Biglang nagulat ang lahat dahil sa malakas na pagbunggo ni Miguel kay Charles kaya si Charles nutumba.

"Charleeeeees!" Nanakbo kame ni Jijie palapit sa knya. Umupo ako para tanungin siya.

"Ayos kalang ba?" Gago kaba Liza? Natumba yung tao malamang sa malamang hindi siya Okay!

"Ayos lang ako medyAaaaak!" Napaka sigaw si Charles ng pilitin nyang tumayo. "Teka tumatawag na ng mag aassist sayo mates mo." Nasan ba si Miguel? Sya mag gawa neto!

Inikot ko paningin ko at nakita ko siya naka upo sa dulo ng unang upuan dito. Nanakbo ako palapit sa kanya. "Hoy ikaw?! Ano bang problema mo?!" Uminom muna siyang tubig bago sumagot.

"What? I't was just a game." Game? Eh halos patayin nya si Charles. Napipikon nako sa baboy nato!

"Ano bang problema mo?! Kung may di kayo pagkakaunawaan wag nyo dalhin sa game nyo ng di kayo nagkakasakitan." Kumunot ang noo nya at tumayo.

"Ano bang problema mo?! Kung maka react ka dyan wagas!" Napansin kong nakatingin na samin ang karamihan sa mga estudyante.

"Za, tama na." Awat sakin ni Jijie. Diko siya pinansin at tumingin ako sa Miguel.

"Malamang! Kaibigan ko siya! Napaka mo!" Ang lakas ng sagot ko sa kanya. Halos pa sigaw na.

"Kasalanan mo to." Yun lang ang sinabe nya at tinalikudan ako.

Ako? Bakit ako? Wala naman akong ginagawa ah?

Nasa malayo na siya pero narinig kong sumigaw siya.

"FVCK THIS FEELING! I'M JELOUS!"
****

3:34 Am na. Hahaha! Hello sorry booring. Inaantok na talaga ko. Enjoy reading comment/Vote Thankyou!

-Otor.

He's Awesome.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon