Letter of Gratitude

36 6 0
                                    

Unang-una sa lahat,
Gusto ko sanang magpasalamat,
Sa walang sawang pagmamahal at suporta,
Dito sa aking mga tula,

Hindi ako magaling na makata,
Maalam lamang sa pagtatagpi-tagpi ng mga salita,
Akala ko ay walang makakabasa,
Sa aking nga sulat at gawa,

Ngunit nandito ka,
Kasama ko hanggang sa aking huling tinta,
Mga salitang hinabi ko,
Ay mga mensaheng para sayo,

Salamat sa pagsama sa akin,
Lalo na kong ikaw ay naaliw din,
Pinapangako kong magpapatuloy ako,
Sa pagsulat ng mga tulang para sa inyo...

_Zilalah

My Pillars [My Taglish Poem Collection]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon