Chapter 1

10 0 0
                                    


"It's time to wake up,the time is 5:30!"
"It's time to wake up,the time is--" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita 'yung alarm ko,pinatay ko na agad. Oh yes! Tama nga! Alarm clock ko 'yun. Actually,personalized alarm clock ko 'yun kaya nagmukhang speaking clock. Hehe

Bumangon na agad ako at dumiretso sa cr para maligo. Ang aga ko diba? Hindi naman siguro ako excited sa lagay na 'to noh? Hehe

The truth is. I'm soooo excited to go to school! Hihihi. First day ko kasi sa new school ko ngayon kaya super excited ako even though wala pa akong kakilala.

I hope mababait naman 'yung mga tao sa new school ko. Excited na ako. Hehe

Wanna know why new school? Ganito kasi yan. Trinansfer ako nila mom and dad sa school na 'to para raw maging close kami nung "future husband" ko. Oh diba? Ang adik ng parents ko? As if naman uso pa arrange marriage ngayon. Tss! Ewan ko nga kung sino 'yung lalaking 'yun e. Sana lang gwapo tsaka mabait. Hihi

But thats not the reason kung bakit ako excited pumasok. I'm excited to meet my new classmates. New friends. New schoolmates. And new teachers. Hihi. They are all new for me. I'll start a new beginning,again. Sana lang talaga makahanap na agad ako ng friends ko mamaya. Hehe

But back to reality.

After kong maligo nag ayos na agad ako ng sarili ko. Apply ng lotion,light make up and of course spray ng pabango. *sniff* hmmm. Ang bango ko na! Ready for school!

Bumaba na agad ako ng bahay para kumain. Sakto! Pagdating ko sa dining room namin,ready na agad 'yung pagkain ko. Kaya naman kumain na ako agad. Yumyumyum! Sarap talaga magluto ni manang. Mmm.

After kong kumain dumiretso na agad ako sa garage para makapasok na agad ako sa school.

"Manong,ihahatid niyo ho ba ako ngayon sa school?" Tanong ko kay manong Danny. Family driver namin.

"Oo naman po ma'am. Hindi naman po pwedeng hindi kita ihatid baka sa ibang school po kayo pumunta" sabi naman niya

"Ah. Sige po manong tara na" sabi ko nalang saka na pumasok sa kotse ko. Yes,kotse ko. May sarili na akong kotse. "Nga pala manong,sunduin niyo rin po ako mamayang hapon ah? Hindi ko rin po kasi alam kung saan ako sasakay e. Alam niyo na po. Hehe" sabi ko ulit kay manong habang pinagdadrive niya ako.

"Opo ma'am" sagot naman niya

"Hayaan niyo po manong. Kapag nakabisado ko na po ang daan papasok ng school,hindi niyo na po ako kailangan pang ihatid" sabi ko habang nakangiti

"Seryoso ka ma'am?" Di makapaniwalang tanong niya

"Oo naman po mang Danny. Alam ko naman pong kailangan niyo rin pong asikasuhin 'yung mga anak niyo e. Kaya kapag alam ko na po 'yung daan,wag niyo na po akong alalahanin" paninigurado ko sa kanya.

"Naku,salamat po ma'am" sabi niya

"Wala po 'yun" sabi ko naman.

"Ah. Ma'am nandito na po tayo" sabi ulit ni mang Danny.

Oh my gee! Hindi ko namamalayang nakarating na pala kami. Ang laki pala talaga ng school na'to. At ang ganda pa. No wonder,mayaman nga talaga ang may ari nito. Naeexcite tuloy ulit akong pumasok. Hihi

EMPIRE UNIVERSITY,here I come! Hihihi ^_^

-----------------------------------------

My Other Half [Super Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon