Chapter 2

6 0 0
                                    

Pagpasok na pagpasok ko palang,all eyes are on me na. Gosh! Center of attraction na naman ako. Sanay na ako maging center of attraction kaya hindi ako naiilang sa mga tingin nila.

May tingin na namamangha,nagtataka,naeexcite at syempre hindi rin naman nawawala 'yung mga matang mapanghusga,mapanglait at naiinggit. Tss! Insecure. Nakalimutan ko atang sabihin na isa akong model. Model ng katol. Joke. Hahaha. Model ako ng product namin. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sila ganyan kung tumingin sa akin.

"Grabe,ang ganda niya" bulong ng isang babae sa katabi niya.

"Ano ka ba,hindi mo ba siya namumukhaan? Siya 'yung babae na nasa billboard. Bobita mo talaga" sabi naman ng katabi niya. Hahaha natatawa nalang ako sa usapan nila.

"Woah! Siya 'yun? Ibig sabihin-" hindi na niya natuloy 'yung sasabihin niya dahil binatukan siya ng kasama niya

"Malamang,schoolmate na natin siya. Dito na nga siya mag aaral diba?" Sabi naman ng isa.

"E malay mo lang dinalaw niya lang 'tong school natin."

"Gaga! Dadalaw mag isa lang niya? Walang body guard? Tsaka kita mo nang may dalang school bag diba? Bobita ka talaga" sabi ulit nung isa

"Oo nga noh" sabi naman ni girl na kanina pa nababatukan. Nginitian ko nalang sila saka na naglakad papuntang gym. Tatambay nalang muna ako rito,tutal hindi ko pa naman alam kung saan ang classroom ko

"Kyaaaa! Ang gwapo talaga ni Dave! Omo!"
"Ow em gii! Rei Josef! You're so hot! Kyaaaa!"
"Robert my loves! Kyaaaa!"
"Clyde! Kyaaaaa! I love you Clyde!"
"The Elites! My Ghad! I love you Clyde! Kyaaaa"
"Kyaaaa!"

Ay? Makatili wagas? At ano raw? The Elites? Grupo ba 'yun? Psh! As if gwapo sila. Hayy!

"Tol,narinig mo ba 'yung mga tilian? Ayan na naman sila" sabi ng isang boy

"Oo nga e. Baka First day first trouble na naman ito. Hayy!" Sabi naman ng isa pang boy

"Nagtaka pa kayo. Mga trouble maker nga diba? Tss!" Halla? Ano raw? Trouble maker?

My Other Half [Super Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon