Twenty Nine

80 1 0
                                    

Hens' POV

"Aist!" Yan lang ang nasabi ni Taehyung at pinasa naman ako kay Jin. Yung totoo ano to debut ko lang?

"Hi Henssi" Si Jin. Ngiti niya ang cute.

"Annyeong Oppa" Sabi ko at sumayaw na kami.

"Henssi are you inlove?" Tanong niya sa akin. Huh? Pa-Pano niya nalaman?

"I can see it in your eyes. The way you look at him" nagulat ako sa sinabi niya. Shit! Ganun na ba ka-obvious? Nahiya ako kaya napayuko ako. Hindi ako nakapagsalita. Malamang alam na nila pero si Jimin di pa. Mabuting wag nalang kasi masasaktan lang ako.

"Don't worry Henssi the feeling is mutual" sabi niyat iniwan na niya ako. Hala saan na napunta yun.

"Hi Baby" Nagulat naman ako ng sumulpot si Suga sa likod ko. Siya naman ang kasayaw ko ngayon.

"Hi Oppa" Sabi ko sa kanya. At ikinapit na ang kamay ko sa balikat niya. Nakatitig lang siya sa akin.

"Do you know that my soulmate is so beautiful tonight" Sabi niya sa akin. Huh? Sino? Andito ba ang babaeng gusto niya? Shocks si Suga Oppa inlove din? Yey! Ipapakilala niya ata sa akin. ^___^

"Really Oppa? where is she? I need to meet her" Nakangiting sabi ko kasi syempre naman oh! Tinulungan niya ako about kay Jimin dapat eh tulungan ko din siya.

"I'm currently looking at her now" sagot niya. Huh? Luminga linga naman ako. Wala naman siyang ibang tinitignan kundi ako.

What Ako?? Imposible.

"Ha-Ha-ha nice joke Oppa" sagot ko sa kanya. Lakas trip eh.

Tinawanan lang niya ako at niyakap ako.

"He's looking at us now. And I need to stop dancing with you because I still love my life" bulong niya sa akin bago pa siya umalis sa harap ko and mas nagulat ako kasi si Jimin na ang nasa harap ko.

"Dance with me ugly" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko papunt sa balikat niya and he placed his hands on my waist.

Then nagiba yung music naging pangparty party. De joke lang. Nagiba yung music. I know this song it's one of my favorite song kasi pinapatugtog yun sa MLFTS

My Destiny by LYN

He's starring at me at ako din nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko na ma-kontrol ang tibok ng puso ko. Super bilis at halos hindi na ako makahinga. Nanlalambot din ang mga tuhod ko. Shet! Nananaginip lang ba ako? Kung Oo sana habang buhay na akong tulog. Joke!

"You're so beautiful as always" bulong niya at halos himatayin ako ng maamoy ko ang mabangong hininga niya. Shet! Feeling ko talaga panaginip lang to!. Ilang beses ko nang narinig ang salitang yun sa ibang members pero kay Jimin ang pinakamaganda. Parang musika sa tenga ko.

Mas inilapit niya ako sa kanya kaya nakasandal na ako sa dibdib niya. Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya at kakaibang paghinga. Imahinasyon ko lang ba o pareho kami ng nararamdaman sa mga panahong to. Dahil sa sarap ng nararamdaman ko ipinikit ko ang mga mata ko at dinadama ang moment na to. Sana hindi na matapos.

You are my destiny, Geudaen
You are my destiny, Geudaen
you are my everything

(Sorry nakalimutan ni Author ang lyrics. Tagal ng di niya nakakanta eh Hahaha)

Nang matapos ang kanta iniharap na niya ako sa kanya and he look at me in the eye.

"JIMIN I'M HUNGRY LET'S EAT" sigaw ni J-Hope kaya napabitaw ako kay Jimin at humarap kay J-Hope.

"Im hungry too Oppa" Sabi ko at tumakbo papalapit kay J-Hope. Grabe yung puso ko sasabog na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung good timing ba si J-Hope o naninra siya ng gabi.

After naming kumain ay marami ang mga nagpeperform sa harap. Mostly nagkakantahan. Nakakatuwa kasi ang gaganda ng boses nila. Lalo na yung D.O. Kainlove yung boses. ^____^

Wala din ang BTS ngayon dito dahil may kakausapin daw sila kaya eto ako ngayon at loner sa table. Feeling ko talaga panaginip lang yung nangyari na sayaw namin ni Jimin. Because it's too good to be true.

"Hey Bitch I need to talk to you" Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Naeun at hinila niya ako paounta sa garden na wala masyadong tao. Shems! Baka bugbugin nanaman ako ng babaeng to.

Nang makarating kami sa Garden nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.

"That's for flirting my boyfriend" Sampal niya sa akin. Ano ba! Nasaktan ako dun ah!

"I'm not" Naiiyak na sabi ko.

"I saw you. You're seducing him hah! I hate you I hate you" At nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinatak niya ang kamay ko at inilagay niya sa buhok niya. A-Anong ginagawa niya?

"Ouch Ouch Don't hurt me it hurts. Please let go of my hair" Sigaw niya.

Literal na nanlaki ang mga mata ko ano bang pinaggagagawa niya?

"HENNESSY" nagulat ako ng sumigaw si Jimin mula sa likod ko kaya binitawan ako ni Naeun at umupo pa siya sa sahig na parang tinulak ko siya.

Agad na lumapit si Jimin kay Naeun at tinulungan itong tumayo. Umiiyak naman ngayon si Naeun. Na-frame up ako.

"Jimin it's not what you think it is she~" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi nagsalita si Naeun.

"She hurts me Jimin. She wants to get all of you. She's a gold digger because she told me she wants all of your money and to be famous." Naiiyak na sabi ni Naeun at yumakap pa siya kay Jimin. Masama namang nakatingin sa akin si Jimin.

"Jimin don't believe her please it's not true" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano bang ginawa ko para ganyanin ako ni Naeun. Hindi ba niya naisip na wala naman akong panama sa kanya. I'm nothing.

"I don't know Hennessy. Please get out of my sight.I don't want to see your face..." Sabi niya na halos ikadurog ng puso ko. Pero mas masakit pa pala ang sunod niyang sinabi.

"You are such a disappointment." at inakay na niya si Naeun papasok sa building.

Hindi ko na napigilan. Kusang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako. Bakit naniwala siya ? Bakit hindi niya ako pinakinggan? Bakit? Bakit?

Nandito ako ngayon sa park at nakaupo sa bench. Tinanggal ko nadin ang sapatos ko. Ang sakit na kasi ng paa ko.

Umiiyak ako. Hindi kasi tumitigil ang luha ko eh! Kusang lumalabas sa mga mata ko. Malamang Hens sino bang kakampihan niya syempre ang gf niya.

"Pero ang sakit eh! Ang sakit sakit" Parang dinudurog ang puso ko. Yumuko na ako at pinupunasan ang mukha ko kasi basang basa na ng luha ko pero letche ayaw talagang tumigil ng mata kong lumuha.

"Ice cream? To make you feel better" Napatingin ako sa lalaking nagabot sa akin ng isang malaking galon ng double dutch Ice cream.

girl inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon