Chapter 2

9 2 1
                                    

Chapter 2
Laura Pov

Naghahanda nako papasok sa school, collage graduate nako sa kursong education, bali next year 2019 ng May ang graduation ko. By the way ako nga pala si Laura Gomez 23 years old and yes im still studying, umi-stop kasi ako sa kadahilanang hinde ako kaya pag.aralin ng mga magulang ko, pero dahil pursigido ako makapag aral? pinakiusapan ko sila mama na sagot nila ang every sem na 5k na babayaran ko sa school, tapos ako na bahala sa baon ko at gastusin sa school, kaya nga para magkaroon ako ng pera nagwowork ako sa tita ko sa karenderya nya. dahil 3 times a week lang pasok ko, yung 4 days na wala akong pasok dun ako nagwowork, Taxi driver lang kasi ang trabaho ni papa, tapos gastusin dito sa bahay pa.

"Fabio ang liit liit naman ng binibigay mo saking pera, kailangan natin mag ipon para sa bayarin sa darating na graduation ni laura" - rinig kong sabi ni mama habang palabas na ako sa kwarto.

"Alam ko bella hinde mo kailangan sabihun pa sakin ang bagay na yan, huwag mo na naman ako umpisahan sa bunganga mo" mainit na ulo na sabi papa.

Sanay na ko sa bangayan nila, na si mama inaaway si papa dahil sa pangbabae at si papa naman ay laging madaling araw kung umuwe. Masakit oo, kasi ganito ang nangyayari sa pamilya namin. tatlo lang kaming magkakapatid at puro babae pa, ako ang panganay habang ang pangalawa naman ay may asawa na, mas piniling mag.asawa kesa ang mag.aral pero dito pa din sa bahay sila nakatira ng asawa't anak nya habang ang bunso namin ay kasalukuyang grade 5.

Paglabas ko ng school dumeretso nako ng alis ng walang paalam.
Pagdating ko sa Campus nandun na si cath ang nag.iisa kong kaibigan.

"Oh kamusta? nag.away na naman magulang mo no?" tanong ni cath

"Ano pa nga ba sa totoo lang pagod nako intindihin sila, pagod nako sa araw araw na away nila naiistress na ang utak ko" - tugon ko kay cath

"Bilib ako sayo paano mo nahahandle ang family problem nyo, diba simula high school pa ganyan si tito?"

"Oo, pag nahuhuli sya ni mama sa akto, nang hihingi ng sorry kay mama tapos si mama naman patatawarin, magiging mabaet si papa  ng ilang linggo tapos mangbabae ulit. Paulit ulit na lang kung tutuusin" - pagod kong kwento kay cath

-----
by.mdrmstory 💛💛💛

The anxietyWhere stories live. Discover now