Kapitulo XXI

55 6 0
                                    

Nagsimula naman kaming magkuhanan ng litrato na kasama ang mga pagkaing inorder nila mama at papa. Luckily, hindi namin makakasama si Harris hanggang dito. Pinauwi na kasi ito sa kadahilanang may lagnat daw ito sabi ni Kuya. Mukhang may utang ako sa kanya ngayon. Akala ko nga ay may alam si kuya ngunit tuwing tinatanong ko siya ay wala itong sagot o hindi daw niya alam.

"Kakain na ba? Nagangalay na labi ko ko kakangiti eh." Pagrereklamo ko para mapatawa sila. Kanina pa kasi kami nagpipicturan dahil apat na cellphone ang ginamit namin dahil magpopost raw sila sa social media account nila.

Hindi naman ako mahilig magpost or magshared post, I rather save the post. Wala naman ako masyadong kaibigan kaya't no sense ang pagpost. Unlike kay Holace, madami talagang humahanga sa ganda niya kaya't puro lalaki rin ang nagrereact sa posts niya.

Si Zeya naman ay nagkwento rin pala sa amin na may nangliligaw sa kanya. Malapit lang daw ang bahay nila sa kanila kaya't lagi raw siyang pinapadalhan ng mga luto nung lalaki.

Napatitig na lamang ako sa kutsara at tinidor na hawak ko habang nagiisip ng malalim. Iniisip ang nangyari sa amin ni Harris kani-kanina lang. I didn't mean to break up with Harris. Magagalit kaya sa akin si Syl?

Did I just compare my life with others? Pfft.

Napahinga na lamang ako ng malalim at nagsimula ng kumain. Pero dahil nagpapasend sa akin si Holace ng picture ko daw ay nagselfie ako habang sumusubo ng bulalo.

"Ngapala, anong handa natin mamaya sa noche buena?"

"Sila ate Kunsing na bahala doon. Magluluto lahat ng katulong natin ng dalawang putaheng maipagmamalaki nila." Pagpapaliwanag sa akin ni mama. Napatingin ako kay Kingsley.

"Yeah, tutulungan daw ako mamaya ni Elena. Sa desserts daw kami." Napapalakpak naman ako. Hindi ko pa kasi natitikman ang luto nito kaya't siguro'y excited akong malaman.

Masaya naman kaming nagkwentuhan habang kumakain. Sinubukan ring kalimutan ang pangyayari sa itaas. Thought I'm still thinking about it. Mukhang mahirap nga talagang mangalimot ng bagay-bagay.

Naalala ko naman tuloy ang sinabi nito. Sa totoo lang, paano nga ako napunta sa katawang ito. Wala namang fairies o mga taong may kapangyarihan ang nabubuhay sa mundong ito. This is just simply a world.

Yeah, miracles happened— Pero anong meron sa buhay ko at sa dalawa pang nakagamit ng katawang ito? I do not actually understand any of this, no one can explain this mystery. Only Ate Cey, as Hreo said.

"Oh, magtutulala ka nalang ba diyan?" Napangiti na laman ako at sumubo ng sunod-sunod. I should take this away temporarily.

Ilang sandali pa ay puro tawanan at kwentuhan ang iyong maririnig sa restawran. May dumarating na rin naman na ibang customers habang paubos na ng paubos ang pagkain sa lamesa.

Wait, anong ubos dito? Halos ako, si Kingsley at Elena lang ang sinaid ang nasa plato namin. Wala naman aming alaga para itake out ito at mukhang wala rin namang balak ata sila mama at papa iuwi ang natira namin.

"Sley, tulong rin ako sa pudding. Wala akong gagawin sa bahay." Pamimilit ko kay Kingsley. Niyugyog ko naman ito ng niyugyog bago siya umoo sa akin. Sa totoo lang, nakabili na rin naman kasi ako ng gifts. Sila mama at papa ay ngayon palang bibili kaya pinauna niya na kami.

Pinasama naman nila si Kuya sa amin dahil maguupo-upo lang naman daw siya doon tuwing may madadaanan silang upuan.

"Elena, Sley, may gusto ba kayong daanan?" Tanong ko. Nagsitinginan naman sila sa isa't isa at umiling. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Ilang minuto lang ng makarating na rin kami sa bahay sa wakas. Masyado pang maaga kaya't pinagpapahinga muna kami ni Kingsley, mga alas-kuwatro daw kami magsisimula pero 2 palang sa oras ko.
I guess watching movie can make my boredom go away.

Dreamt Of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon