Kapitulo I

188 18 4
                                    

Rain's P.O.V

"Bukas na graduation natin! College life here we come!" Sigaw naman ni Nartea sa tabi ko habang patalon-talon pang naglalakad. Magkahawak naman ang mga kamay namin kaya't nadadala kami sa paggalaw nito.

"Engot. Sabi kaya nila mahirap daw yung college life." Sabay akbay sa akin ni Psalm para mabitawan ang kamay ni Arte. Napansin ko namang tinaas nito ang kanyang dalawang kilay ng dalawang beses na para bang nangungumbinsi.

"Kadiri ka talaga, Psalm. Basta ako... excited na ri-- aray!" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong binatukan. Napatingin na lamang ako sa kanya ng masama.

"Heh, kumampi ka pa jan kay Arte."

Napatawa nalang ako sa inasal niya. Nauna naman silang maglakad na sa akin kaya't napatitig ako sa kanilang paglalakad.

Silang dalawa lang ang naituturing kong kaibigan, masyado kasing mailap sa akin ang mga classmates ko. Hindi din naman ako kagandahan tulad nitong si Arte para pilahan maging kaibigan lang ako. Nakakagulat nga eh, may isang magandang dilag ako naging kaibigan. Bukod sa maganda, mabait pa! Saan ka pa?

"Apaka sadista mo naman kasi, Psalm." Sambit ni Arte pero walang naging reaksyon itong lalaking ito.Tampurorot amp!

Natigilan ako sa paglalakad nang bigla silang tumigil at lumingon sa akin. "Ang tagal mo kamong maglakad."

Sa mga simpleng salitang 'yon, isang damakmak na paru-paro ang kumiliti sa aking tiyan. From the first time I met them, I may say... I'm lucky to be friends with these people.

Tumakbo naman sila papunta sa akin at hinawakan ang braso ko sabay hila ni Arte sa 'kin at tumakbo.

Nang mapagod na ang babaita ay bigla itong nagbukas ng kinaayawan kong topic, "Oo nga pala... Rain, ano kasi, makakapunta ba ang papa mo?"

Ngiti lang ang nasagot ko sa kanya, ngunit alam kong alam na nila ang kahulugan ng ngiting aking pinakita. Hindi ko kasi alam kung pupunta nga ba si papa. 2 days na rin kasi siyang hindi umuuwi ng bahay. A stray father.

"Aish! Ang awkward. O cia... dito na ako," pamamaalam ni Psalm na ikinatuwa ng puso ko. Lumiko na naman ito papakaliwa sabay kaway ng kanyang kaliwang kamay. Kaliwateng ito, oo. Malapit na rin si Arte kaya't naghiwalay na rin kami ng landas.

"Ang init! Shems," bulong ko.

Sa kadahilanang naiwan ko ang payong sa bahay ay ramdam na ramdam ko ang init ng panahon. Dahan-dahan naman akong naglakad sa makitid na daan papunta sa bahay namin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang TV na bukas ngunit walang nanonood.

Aba'y himala? Mukhang umuwi na si papa.

Pero dapat ko nga ba itong ikasaya? Kasi umuwi na si papa matapos ang dalawang araw? Mas okay na nga atang hindi, eh. Wala naman kasi siyang pakialam sa akin, kung susumahin ay mas mahal pa niya ang bisyo niya kaysa sa amin, ngunit kahit anong pilit ko... hinahanap-hanap ko pa rin ito. I'm not surprised. Ako ang taong wala isang salita at patuloy na ngumingiti sa kabila ng kaalamang adik ang tatay ko. Ito ata ang kahulugan ng karupukan.

"Pa?"

Nag-antay naman ako ng sagot pero ni-isang boses o tunog ay wala akong narinig. Nilibot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin ito nakikita. Napailing na lang ako nang marinig ko naman ito.

Dreamt Of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon