Kapitulo IX

98 12 8
                                    

Kabilaang boses ang iyong maririnig sa loob ng silid-aralan. Maakalaan mo na ngang nasa palengke ka, kulang nalang ay isda at mga baboy. Sa napakagulong klaseng ito ay may isang dalaga ang natutulog malapit sa bintana sa likuran habang may nakapalasak na earphone sa kanyang tenga.

Maya-maya pa ay unti-unti itong namulat sa isang maulan na araw. Nagiinat-inat itong luminga-linga sa paligid kahit hindi pa nito tuluyang nabubuksan ang kanyang mga mata.

"Morning Rain, puyat na puyat kagabi ah?" Isang babae ang lumapit sa kanya upang magising ang kanyang diwa. Mula paa hanggang mukha niya itong tiningnan.

"Arte!" Sigaw ni Rain na mapagtanto niyang kaibigan niya ito at dali-daling yumakap rito.

"Omg!" Tinulak naman nito si Arte, "Yung uniform mo?"

"Bakit may dumi? Madilaw b-- medyo dilaw naman talaga ang uniform natin ah?"

"Tinatakot lang kita." Napairap naman ito kay Rain at lumabas na ng classroom.

I guess I really came back. Sambit ni Rain sa kanyang isipan.

Nang mahimasmasan na ay napansin ni Rain na wala rito ang kaibigan niyang si Psalm. Sumunod naman ito kay Arte at hinawakan ang mga kamay nito.

"Si Psalm?"

"Nasa ibang building, alam mo namang humiwalay siya sa course natin," humarap naman ito sa kaibigan niya at hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ni Rain. "Anyways, bukas na start ng OJT, kinakabahan ako!"

"OJT? College na tayo? 3 years have passed but ho—" Bigla itong napatigil at napatakip sa kanyang bibig.

So 3 years literally have passed? Is 1 week, equivalent to 3 years? But wait, who attend my classes? Isa na namang katanungan ang umiikot sa isipan nito.

"Okay ka lang, Rain? Pinapatawa mo ako eh," Hinatak naman siya ni Arte. "Halika na nga baka nagiintay na pala si Psalm sa atin."

Tumango-tango lamang si Rain kahit bakas sa kanyang mukha na gulong-gulo ito sa transisyon ng mga pangyayari.

Syl, I'm sorry for the 3 years you were here in my body... why it's so long for you?

"Arte, ano nga pala pinili kong course?" Nagaalinlangang tanong ni Rain sa kaibigan niya.

"Accountancy? Actually ginaya mo lang talaga ako eh, ewan ko ba sayo 'di mo pa pala alam course mong gaga ka."

Ilang sandali pa ay nakita na rin nila ang kaibigan nila na tinatawag nilang Psalm. Kaagad na lumapit si Rain rito na akmang yayakapin nito ang binata, ngunit tumakbo ito at nagsisigaw na may girlfriend na siya.

"Oh, totoo ba talaga?" Tanong nito para mapaisip si Arte at tinitigan si Psalm na para bang tinutunaw nila para umamin.

"Pakilala ko pa sa inyo eh." Mayabang nitong iginiit.

Napatingin namin sila Rain at Arte sa isa't- isa. "Sige ba!" Sabay nilang panghahamon kay Psalm.

Hindi pa sila nakakalayo ay hinarang ni Arte ang dalawa. "Hoy, guys. Mayroong bali-balita sa school. Isang sikat daw na basketball player bumisita raw sa school natin! May kasama rin daw na magandang dilag."

"Naku po, gusto mo lang kako makita."

"Ah basta. Samahan ninyo na ako." Nagkibit-balikat naman ang dalawa kaya't hinatak nalang ulit ni Arte si Rain. Sumunod naman si Psalm at wala rin naman itong pupuntahan.

***

Rain's P.O.V

Nang malapit na kami sa gym ay biglang nagtanong si Psalm kay Arte kung anong pangalan ng basketball player na ikinukwento niya kanina. Kahit ako ay napapaisip kung sino ang nagugustuhan ng bruhang ito.

Dreamt Of RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon