Start
"Hoy! pa-hotspot nga"
Naitigil ko ang pag s-scroll down sa isang account sa Instagram nang may biglang sumigaw mula sa likuran. Tiningnan ko sa rear-view mirror si Dreka, step sis ko. She's comfortably lying herself in the backseat, wrapped in blanket. I just rolled my eyes at her at ibinalik ang atensyon sa sinusuri sa cellphone. Mayroon naman siguro s'yang data pero kung wala, matutong magtiis, di'ba? Masyadong pa-epal e! Kita na may ginagawa ako!
Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig. Ang lakas ng patakbo ng air con. Masyado naman atang sinagad. Naramdaman kong gumalaw si Elvi, my siamese cat, sa lap ko. I patted her head and kissed the top of her head bago ako simpleng sumagot.
"Ayaw ko nga"
"Madamot kang kapatid ka! Ma-block sana sim mo!" She stubbornly sulked. I could imagine her making faces right now and probably cursing me inside her not-so-innocent mind.
I just shrugged it off.
Pinagpatuloy ko ang pagscroll down sa account ni Lev, best friend ko. Habang tinitingnan ko yung mga old upload pics n'ya, di ko alam pero di ko mapigilan ang mahinang tawa na kumakawala sa bibig ko. Hindi sa napapangitan ako sa kanya, actually, nacu-cute-an ako sa mga litratong y'on lalo na roon sa magkasama kaming dalawa.
Hay, Lev, kung di lang talaga kita matalik na kaibigan, matagal na kitang pinatos!
"Stalk pa nga! di pa nga tayo nakakaabot sa bahay, miss mo na agad!" pagtingin ko sa likod ko, may malokong ngiti at titig na titig si Dreka sa phone ko kaya naman in-off ko agad. "Pogi naman kasi talaga ni Kuya Lev kaya nabighani ang madamot kong kapatid."
Miss? halata ba?
I eyed her. "Hindi, ah. Tinitingnan ko lang kung may bagong post yung lokong 'yon." palusot ko pa. That was half true. Tinitingnan ko rin kung may bagong post s'ya pero wala eh. I just wanted to see his face, bawal bang ganon?
"Sige, deny pa. 'Kala naman n'ya naman bumebenta sa'kin." dinig ko ang binubulong-bulong nito. "Pa hotspot nga ako madali lang, promise! may ipo-post lang ako tas re-reply-an." pangungulit pa nito. Kumikislap pa ang mga mata nito at may ngisi sa labi.
Attitude ka!
"Akala ko ba may ni-register ka kanina bago umalis? Gipit na gipit na ba, kapatid?" tanong ko pa bago i-open yung phone ko. Daming dada eh makiki-connect lang naman!
"Mayr'on, ML10 nga lang"
Sumasapi sana sa'kin si satanas pero nanaig pa rin yung kabutihan sa kaloob-looban ko kaya sa huli, pina connect ko rin.
God, feeling ko ang bait kong kapatid.
"Kuya Tope, malapit na ba tayo?" tanong ko kay Kuya Tope, driver namin. Sinulyapan ko ang mga nadaraanan namin, mapuno! Napansin kong mas dumami yung sari-sari store at mga bilihan sa lugar na ito. Hindi naman kasi kami nakatira sa may bukid at along the highway lang ang bahay namin dito. This province is very so pleasing that I can't say no. It never disappoints.
Kung sa Maynila, nagtataassang mga gusali ang makikita, dito naman, mga nagtataasang matandang puno naman. Siguradong sariwang hangin ang malalanghap mo. Hindi puro utot ng mga nagsisiunahang mga transportasyon sa Maynila.
Tumaas na rin ang haring araw na hudyat ng pag-asa para sa mga taong may mithiin sa buhay. Tumama ang liwanag sa'king mukha. Napapikit na lang ako habang dinadama kung gaano kainit ito. I just love how the morning lights touched my skin. Tila bang isang senyales na kailangan ko pang makibakbakan sa buhay.
"Malapit lapit na." simpleng sagot nito habang maingat na nagmamaneho. Matamang nakatingin ito sa kalsada. Hindi na'ko masyadong nag-talk kasi konti palang yung pahinga n'ya at kung nag-usap pa kaming masyado ni kuya baka maaksidente kami. Mahirap na! Gusto ko pa maranasa gumraduate na may suot na toga at may hawak na diploma!
BINABASA MO ANG
Unfading Affection
RomanceBest friends Series #1: UNFADING AFFECTION "You were like a drug to me. You know how much I hated it . . but when you looked at me, with those warm brown eyes of yours, I already knew, I'm addicted." Love can destroy friendship. . . that's what Chan...